Monday, August 03, 2009

PAALAM SA INA NG BAYAN



Sa pagpanaw ni Pang. Cory Aquino muli na namang nagkaisa ang sambayanang Pilipino. Hindi maisasaisangtabi ang kontribusyon niya sa ating bansa at sa buong mundo bilang isang tunay na simbolo ng demokrasya , huwaran sa katapatan at moralidad bilang isang pinuno. Nawa ay hindi sumama sa hukay ni Cory ang diwa ng demokrasya na muli nyang ibinalik sa ating bansa. Ang init ng damdamin na nadarama ng bawat Pilipinong nagmamahal sa kanyang bayan sa pagkamatay ni Cory ay sana ay magpatuloy at hindi maglahong parang bula sa mga susunod na araw. Muli sanang gisingin nito ang isip ng maraming Pilipino na patuloy parin nagpapaalipin sa kamay ng mga magnanakaw at mapanglinlang na pinuno ng ating bayan.

Isang magandang tula na nilikha ng aking tiyuhin para kay Cory:

SALAMAT TITA CORY

I

Salamat Tita Cory, ang Pangulong magiting!
At ang demokrasya sa bansa ay muling dumating
At sa iyong pamumuno ang pag-asa’y umigting
Na ang kalayaan at pagsulong atin nang marating

Salamat Tita Cory sa pagbabalik ng demokrasya!
At sa ating bansa’y nanumbalik ang hustisya
Nang ika’y naging Pangulo lahat naging masaya
At ang buhay ng Pilipino muli ay lumigaya

Salamat Tita Cory sa iyong magandang pananaw!
Na ang pagiging Pilipino ay dapat malinaw
Sapagkat sa marami matagal itong pumanaw
Pagmamarangal ng lahi muli nang tinatanaw

Salamat Tita Cory, sa iyong magandang ehemplo!
Nang sa paghawak sa poder tunay kang modelo
Sa paninindigan sa katapatan isa kang simbolo
Pamumunong maka-Diyos, iyong marangal na istilo

Salamat Tita Cory sa pagiging mababang-loob!
At sana’y pamarisan ka ng pulitikang wala sa loob
Ang pamumuno sa bansa na tila utang na loob
Ng mga taong bayan, masasama ang loob.

Salamt Tita Cory, sa hindi mo pagnanakaw!
At di ka gumaya sa kasakimang di mapukaw
Ang pinakamatinong Pangulo’y natatanging ikaw
Kung baga sa kalawakan isa kang bulalakaw

Salamat Tita Cory sa mga tunay na pagbabago!
Na iyong iminulat sa ating bansang ginago
Ng mga gahaman, sakim at mga berdugo
Mga nanumbalik sa poder di pa rin nagbabago

II

Subalit Tita Cory, sa iyong pag-panaw, pag-alis
Ang mga mabuting ipinunla baka biglang mawalis
Ng mga pinunong pumalit, sa dayaang mabilis
At sa pwesto nagyo’y ayaw na yatang magsi-alis

Sana Tita Cory sa pag-akyat mo sa langit
Ang ating Panginoon sana ay magngit-ngit
At alisin na sa Pilipinas ang mga taong suwangit
Mga pinunong ang gawa, sa tingin mo ay pangit

Ang aking panalangin, mahal kong Pangulo
Ang bayang iniwanan mo hindi magiging magulo
Sa kamay ng mga pulitikong malalaki na ang ulo
Mga walang namang ginawa pagdating na sa dulo

Ang aking inaasam o Pangulong minamahal
Na ang ala-alang iniwan mo ay laging itatanghal
Ng lahat ng Pilipinong sa Bayan may pagmamahal
At ang Pilipinas, muling ibangon, sa mundo’y itanghal

Salamat natatanging Pangulo, aming Tita Cory
Salamat simbolo ng katarungan, aming Tita Cory
Salamat modelong Pinuno, aming Tita Cory
Paalam Ina ng Bayan, Aming Tita Cory

by :YAFUIBANAG
(Floro R. Francisco)

Thursday, July 16, 2009

BOOK OF LIFE



Life is a book...
From the outside bounded by a cover. But the cover is superficial. It doesn't say everything about the book. You have to read all the pages to know the true worth of the entire book. Same with our life. We are not exactly the way others perceive us from the outside. What they see are just the cover. They can find us interesting enough with the cover at first glance but not too soon to consider valuable. The value is realized upon page by page reading...upon discovering the story in each chapter...upon finding the flaws of the entire book...upon being carried away by the rise and fall of the plot presented. How much we enjoyed reading or to what extent we are affected by our reading, tells us the value of the book to us.

In real life we meet lots of people. They enter our life; we enter theirs. But at the end of the day, only few are stuck with our life. Those are the people that we find interesting or should I say those with the "covers" caught our interest. Day by day we delve deeper, we learn new things about them we find them more interesting or sometimes less interesting. They become more valuable or less valuable to us, as we go on perusing the pages of their lives. We go on reading the book of their lives as they read the book of our life. Our stories merged into one, in simple words it is called friendship or to others they may call it a romantic relationship. It really depends on how you look at it.

Sometimes, there are some chapters in our book that we are not proud to share to others. But those our part of the entire story that we can't just omit. They put color to the plot. They add value to the book. It is up to the reader to decide whether they like it or not.

Our life is full of plots and subplots. So many characters involved. A lot of twists and sudden turn of events. We write our own story. The story goes on and on until the Almighty Author say it's over.I just hope that people have seen the value of my book when that time comes.

Wednesday, February 25, 2009

ADDICTED TO FACEBOOK


I feel like I'm turning into a Facebook addict. I'm a recent convert, but more and more I'm becoming so hooked up to this social network wunderkind. I can't resist its addictive charm.

- I never fail to check my profile at least 5 times a day.
- I check Facebook even at the middle of a very busy day in the office.
- I have it bookmarked on my Safari browser. In fact it is the first thing you will see on my bookmark bar.
- Together with Yahoo Phils and Gmail, it is a part of my multiple tab homepage.
- I keep on checking who among my friends are online, and so damned excited to chat with any of them; even to those who were not very close to me.
- I play Vampire Wars, Mob Wars and Mafia Wars. Actually this is where I spend most of my Facebook time.
- I keep on checking my friends' profile updates, photos and causes all the time. I visit thier walls and and see if I can dig something new from them everyday.
- I answer every quizzes answered by any of my friends.
- I try all applications that my friends have.
- Recently I seldom check my Friendster, Tagged, and Hi5 accounts anymore.
- I invite all my contacts in Gmail and Yahoo to join Friendster.
- I always check my friends' list of friends hoping that I can add anyone I know to be my friends also.
- I brag to my friends that Facebook is way better than Friendster.

Hi Im Raymond . I'm a Facebook addict and I need help.Hehehe.

Wednesday, February 18, 2009

KAKAINIS...KAKAMISS

Kakabalik ko lang sa Japan. Namimiss ko agad ang:
-pagkain ng taho, hot pandesal, banana q, camote q, turon, binatog, ice candy, kwekwek, jollyhotdog, chickenjoy, gravy sa KFC, palabok, Baliwag lechon, chicharon at balot

-ang lecheflan, bibingka, puto, kutsinta at ube sa palengke.

-namimis ko ang 24/7 na ingay ng mga tambay sa tapat ng aming bahay. Kasama na rin yung one to sawang pagkakaraoke ng kapitbahay namin na puro kapanahunan pa ng lolo ko ang kinakanta.

-ang di nauubos na tawanan ng mga naglalarong bata na tila ba isang kalye ng pabrika ng mga bata ang aming lugar

-ang mala-telenovelang pagsisigawan ng mga magasawang nagaaway kapag madaling araw sa aminglikuran

-primetime tv na sunud-sunod na telenovela ang palabas.

-Destiny Cable na isang beses ka lang magbabayad sa lineman ay for life ka ng makakapanood

-ang usok na ibinubuga ng mga jeepney kapag nagko-commute. Hindi matatapos ang isang araw na walang mamumuong kulangot sa ilong mo.

-ang mga pagpara at pagsakay ng jeepney kahit saan, ultimo sa gitna ng kalsada.

-ang pagsabi ng "Ma bayad po" at saka "Ma para sa tabi lang po" kapag nasakay ng jeepney (automated kasi ang bayaran ng transpo dito sa Japan)

-ang pagsakay sa pedicab at sa tricycle na mas mahal pa ang singil kesa sa jeepney.

-ang halos isang oras na traffic patawid lang ng EDSA

-ang paggamit ng tabo pag naliligo

-ang paggamit ng kutsara at tinidor at malaking plato kapag nakain.isang taon ba
naman akong laging nakachopsticks at sa bowl lang na maliit nakain.

-ang pamamasyal na nakapambahay lang sa mall

-ang pagtambay buong magdamag sa Greenbelt

-ang pagpapaumaga sa Starbucks

-ang mga boys night out kasama ang tropa

-ang pagiikot sa mga madidilim na sulok ng Maynila

-ang kwentuhang walang puknat kasama ang tropapeepz

-ang one to sawang pagtulog ok lang kahit gumising na ng tanghali na.

-ang takot na nararamdaman kapag naglalakad sa Quiapo at sa Divisoria, takot na baka madukutan o maholdap.

-ang 100 peso na dvd na hanggang 20 palabas na ang laman. minsan ay una ka pa sa sinehan.

-panonood ng sine pagbibilyar at pagmamasahe sa spa dahil murang mura lang sa Pinas.

-ang walang sawang Senate at House inquiry tungkol sa mga katiwalaan sa gubyerno. para na rin etong telenovela, its all for the show.

-ang mga di nagsasawang raliyista. parang wala na kong matandaan na sinangayunan nila. pwede ng tawaging mga professional rallyist

-ang mga banners at commercials ng mga pulitiko kahit sa 2010 pa ang eleksyon.

-ang mga cute at nakakatawang TV commercials

-ang malambot kong unan at nakakatusok na kama

-ang makulit at bibong bibong pamangkin

-at higit sa lahat ang pamilya at mga kaibigan ko

Di na pala kailangang lumayo sa ibang lugar para lang maging memorable ang bakasyon. Nasa maliliit na bagay lang sa paligid at mga munting kasiyahan lang kasama ang pamilya at mga kaibigan ay OK na. Kayod muna ulit dito sa ibang bansa , kitakits na lang next year.