Sunday, July 24, 2022

It's Time To Move On

Akala ko mabubuo ko pa ang pamilya ko. Iniwan ko lahat sa Pinas na umaasang may dadatnan akong buong pamilya dito sa Japan. Matagal na palang wasak ang inaasam kong pamilya . Hindi na kayang ayusin ang lamat na nabuo sa pagitan naming magasawa. Wala palang saysay ang mga sinakripisyo ko makarating lang ulit dito. Ginawa ko na ang lahat para maayos to pero paulit ulit lang ako pinaasa na may pagasa pang mabuo ulit. Papasok na naman ako sa panibagong yugto ng buhay ko. Nadaanan ko na to nung unang beses ako mapagtaksilan. Depression. Nakakapanlumo, nakakapanghina, parang ayoko na mabuhay sa mundo. Parang gusto ko na wakasan ang buhay ko. Nagkamali ako sa mga naging desisyon ko. Nagkamali ako sa babaeng piniling mahalin. Iniisip ko lang ang mga anak ko at si Papa. Sila na lang ang sandigan ko ngayon para makabangon muli. Sana ay bigyan pa ko ng lakas ng loob at tibay ng damdamin na kayanin lahat to. Nalagpasan ko na to dati. Alam kong kakayanin ko to. Salamat na lang sa lahat ng magandang alaala. Oras na para ayusin ko ang sarili kong buhay na hindi inuuna ang sa yo.

No comments: