Sabi ng hangal na puso ko
Ikaw pa rin ang pinipili ko?
Ilan beses ng natalo
Maraming beses ng nabigo
Lagi ka na lang sumusuko
Sa tuwing hinahamon ang puso
Tiwala ko ay nawala na , oo
Pero bakit di ang pagmamahal ko
Sa kaibuturan ng puso
Puno pa rin ng pag-ibig sa yo
Di mapaliwanag ng lohiko
Di maarok ng isip ko
Sa paglipas ng panahon siguro
Matatauhan rin ako
Di ko hangad na suklian mo
Kung anuman ang pinapakita ko
Hangad ko lang na mapahayag sa yo
Na ako sa yo ay totoo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment