Dalawang taon o higit pa
Hindi ko na matantya
Kung gaano katagal na
Ikaw ay nagkakasala
Pilit mong pinaniwala
Na maayos pa at masaya
Sa likod ko pala
Ay mayroon ka ng iba
Bakit di mo ko kinausap?
Upang maayos pa ang lahat
Handa ko naman ayusin
Anuman naging kakulangan
Bakit ka nagdesisyon
Na bumuo ng bagong pamilya
Kasama ating mga anak
Yun lang wala ako sa eksena
Ngayon iniwan ko na ang lahat
Buhay , trabaho at pamilya sa Pinas
Upang magkasamasama sana muli
Bigla sasabihin sa akin
Na huli na ang lahat
Para akong pinagsakluban
Ng buong sangkatauhan
Naiwan akong luhaan
Ni hindi hinayaan makalaban
Tapos ngayon sasabihin mo
Tanggapin nalang ang lahat
Magmove on at palayain ka na
Hayaan kayong maging maligaya
Natural na reaksyon ay saktan ka
Gaya ng sakit na iyong pinadama
Pero pinili ko pa rin maging sibil
At sa inyo ay wag maningil
Hindi dahil ok lang ang lahat
O kayay pinatawad ko na kayo
Pinili ko lang maging mahinahon
Dahil ayokong bumaba sa level mo
Oo may mga pagkukulang ako
Na marahil nagtulak sa yo
Upang tanggalin sa puso
Ang pagmamahal na ipinangako
Nakalimutan mong magasawa tayo
Hindi magkasintahan lamang
Anumang prublema pinaguusapan
At sinosolusyunan
Hindi sagot ang hanapin sa iba
Anumang naging pagkukulang ko
Kada may mabigat na prublema
Hanap ng kapalit ang naiisip na una
Pagkakamaling noon ay nagawa na
Pero tinanggap pa rin kita
Naging bulag at naging tanga
Kaya ayan inulit mo pa.
Kahit sinasabi ng puso ko
Na piliin pa rin kita
Parang namanhid na ata ako
Ayoko ng magpaloko pa
Oo magmomove on na ako
Pero kasabay nun ay paglimot na
Sa lahat ng may kinalaman sa yo
Uunahin ko muna ang sarili ko
Nagising na ko sa katotohanan
Na dati pa pinapakita ng tadhana
Binabalewala ko lang dahil
Nagingibabaw ang pagmamahal.
Paalam sa yo
Hahanapin ko na
Ang tunay na para sa akin
Ito na ang huli kong taludtod
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment