Galing ako kanina sa isang Filipino Store rito sa may Tsurumi. Napapadalas na rin ako rito pag walang magawa sa dorm. Kachikahan ko na ung may ari si Aling Ching. Bukod rito masarap rin kasing kakwentuhan ang mga naabutan kong mga kababayan natin dun na kung di kumakain, namimili ng kung anu-ano, hiram ng video tape, o kaya tambay lang tulad ko. Talagang sari-sari ang mabibili rito ( ang mamahal nga lang ng iba :) ) Pero minsan pinapatulan na rin kahit mahal. Tulad ng mga pagkain nila nabili na lang ako minsan kesa magluto pa . Sa halagang 500 yen o 250 pesos isang ulam pa lang yun...pero dadamihan na rin ni Ate Rose basta chikahin at chismisan mo lang . Tuwing Sabado at Linggo naman meron silang tabehodai o 'eat all you can' na minsan ko lang sinubukan dahil nakakapanawa rin yung mga pagkain nila.
Hindi lang mga paninda ang samut sari rito. Dito ko rin nakilala at nakasalamuha ang ibat-ibang klase ng Pinoy rito sa Japan. Anjan ang mga gemba boys na akala mo goons at sanggano ang itsura pero sumasahod ng aabot sa 50 lapad sa isang buwan...malaki pa sa ordinaryong nagoopisina rito. Anjan rin ang mga engineers na tulad ko na intra-company transferee galing sa Pinas... mga nakakurbata pero daig pa rin ng mga gemba boys sa dami ng lapad. Anjan rin ang mga kababaihang nagtratrabaho sa mga omise ( parang GRO sa Pinas ang mga eto pero sabi nila hanggang table lang daw sila) na akala mo ay takot sa araw dahil sa gabi lang naglalabasan. Anjan rin ang mga ex-omise workers na ngayon ay iginarahe na ng fafang Hapon at ngayon ay permanent visa na rito.
Ibat-ibang tao, ibat-ibang kwento. Lahat makulay, may bahid ng tagumpay may bahid ng lumbay. puno ng pakikipagsapalaran, puno ng pakikipaglaban. Lahat umiikot ang buhay nagtatagpo ng landas sa isang munting tindahan... ang Tindahan ni Aling Ching
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment