Friday, December 12, 2008

RECESSION NA RIN SA JAPAN


Technically tinatawag na recession ang isang ekonomiya kapag dalawang magkasunod na buwan na di umusad ito batay sa panukat ng GDP o Gross Domestic Product. Ayon sa balita nag negative growth na nga raw etong taong 2008 at ang forecast pa nila ay zero growth sa taong 2009.

Para sa katulad kong isang foreign worker nakakatakot ang ganitong mga balita. Lalo na pag naririnig mo pa na kabi-kabilang kumpanya na rin dito sa Japan ang nagaapply ng loan sa gubyerno para maisalba ang napipintong pagbagsak. Anjan pa ang mga balitang lay-off ng mga trabahador sa malalaking kumpanya lalong lalo na sa larangan ng manufacturing. Sabihin ko nang hindi pa naman ganoong kaapektado ang kumpanya namin na ang linya ay nasa larangan ng plant engineering and construction, pero worst case scenario magiging priority pa rin ang mga lokal na manggagawa kesa sa katulad kong isang dayuhan. Kaya nga nakakatakot maging waldas sa pera ngayong mga panahong ito.

Parang nagkatotoo yata ang panalangin ng maraming mga kababayan natin rito na tumaas ang value ng yen. Dahil sa kasalukuyan ay nasa ¥92 lang ang $1 at ¥0.51 ang ₱1 . Pabor para sa mga remittance natin buwan buwan sa Pinas, dahil ang isang lapad natin ay katumbas na agad ng 5100 pesos. Pero in the long run ay di raw ito maganda sa ekonomiya ng Japan. Dahil kapag lumalakas ang yen laban sa halaga ng dollar nangangahulugan daw itong mas mahinang kita para sa isang exporting country na kagaya ng Japan.

Kitang kita ang interdependency ng mga ekonomiya sa buong mundo. Nagsimula lang naman ang prublema ng humina at nagrecession ang US. Pagkatapos nito ay nagsunuran na ang pagbagsak ng stocks sa ibat ibang bansa kaalinsabay ng pagkalugi na ng maraming mga malalaking kumpanya.

Ayon sa mga experto, ang kasalukuyang pandaigdigang prublemang ito ay higit na magiging malubha kumpara sa naging economic slump noong simula ng milenyo. Sana naman ay di maging malalim ang patutunguhan ng pandaigdigan recession na ito.

Sa ganitong mga pagkakataon ay kinakailangan talaga ang ibayong pagtitipid at matalinong paggamit ng pera.

Thursday, December 11, 2008

INIT SA TAGLAMIG


O init, ngayong taglamig akoy kandiliin.
sa ginaw ng Pasko akoy iyong painitin
Lamig ng gabi ay iyong talunin.
at buong magdamag akoy kupkupin.

Yakapin mo ang aking kabuuan,
hagkan ang aking katawan.
Damhin mo ang aking kapusukan.
init sa magdamag ating pagsaluhan

Ilabas mo ang aking pananabik
tugunan ang aking mga halik
Sa aking paningin ay wag kang lilihis
pintig ng puso patuloy na bumibilis

Gusto ko pang patagalin gusto ko pang pigilin
ganitong pagkakataon, ayoko ng lisanin
Oras ay patitigilin ,sarap ay pahahabain
hanggang marating ang rurok ng damdamin

Asan ka init...
init ng katawan...
init ng damdamin..
init ng pagmamahal.

Tuesday, December 09, 2008

JLPT



JLPT(Japanese Language Proficiency Test)
Ano nga ba talaga ang kahulugan ng pagsusulit na ito para sa akin? Ang hindi na pagpasok sa aming Nihongo class tuwing Biyernes at magkakaroon ka pa ng isang lapad(¥10,000). Eto ang pinakamotivation na nakaset sa aming utak bago magexam. Hihiramin ko ang linya ni Paolo Bediones sa Survivor Phils tuwing bago magsimula ang mga challenges, " Karapat-dapat bang ipaglaban?".

Karapat dapat nga ba? Sino ba ang ayaw ng instant isang lapad . Kaya lang parang kulang pa rin na motivation para sa kin yung isang lapad. Kaya kong kitain yun ng mabilis sa ibang paraan maliban sa aming regular na pagtatrabaho.E yung exemption na sa weekly classes. Eto pwede pa dahil sayang din yung linggo-linggo na pagpapanggap na nakikinig at naiintindihan namin yung lesson na itinuturo. Yung isang oras at kalahati na iyon ay nakakabawas pa sa aming internet time at lakwatsa time. Subalit kung sa ganitong punto ko naman titignan parang may mali pa rin dahil lumalabas na magaaral ako maigi para matigil na ako magaral. If you put it in English mas katuwatuwa pakinggan, Study hard in order to stop studying. What an oxymoron di ba! Parang mali yata kung ganito lang ang gagamitin kong konsepto upang makita ang kahalagahan ng pagsusulit na ito.Kung sinabi pa sanang ang pagpasa dito ay may kinalaman sa aming pangaraw araw na trabaho mas madali pa sana iabsorb ang importansya nito. Meron nga bang kinalaman sa pangarawaraw naming trabaho ito? Sa tingin ko, kung meron man ay maliit lang . Magkakaintindihan pa rin kami sa trabaho kahit di namin maipasa ang pagsusulit na ito. Marahil kung lilipat kami ng trabaho dito sa Japan na talagang nangagailangan ng Language Proficiency Passer, dun pa lang magkakaroon ng saysay ang exam na ito.

Sinubukan ko tanungin ang ilang kakilala ko tungkol dito. Karamihan na nagsabing importante ito ay yung mga kagaya namin na nagtatrabaho sa kaisha. Di ko nga alam kung para sa work talaga nila or napipilitan din sila kagaya namin.

Noong Linggo ay kumuha ako ng Level 3 exam ng JLPT. Di ko pa rin alam kung ano ang motibasyon ko. Para lang akong robot na tinandaan ang mga dapat tandaan at inaral ang mga sinabing dapat pagaralan. May mga parte na nahirapan ako, pagpapatunay lamang na hilaw ang ginawa kung pagrereview.

Ilang araw matapos ang pagsusulit saka palang pumapasok sa isip ko ang kahalagahan ng exam na iyon. Ano mang motibasyon ang paniwalaan ko, pumasa man ako o hindi, sa bandang huli ay advantage pa rin sa akin kung nagaral ako ng maigi. Iniisip ko na isang personal na improvement sa sarili ko ang pagkatuto ng Nihongo, kahit pa sabihin nating hindi ganung kakailangan sa aking trabaho sa kasalukuyan. Para bang nung nagaaral pa lang sa elementary or sa high school. May mga bagay na inaral tayo na di naman natin ginagamit sa buhay natin ngayon. Pero di naman nangangahuluhan iyon na nasayang lang yung oras natin sa pagaaral ng mga iyon. Bagkus ito ay proseso na dapat daanan, kaalamang dapat matutunan para hubugin ang ating pagkatao ngayon. Hindi man natin pansin ay pinayayaman ng mga maliliit na bagay na ito yung ating pagkatao.

Kaya paglabas ng exam results, pumasa man o hindi ay alam ko sa sarili I've learned my lesson, patuloy ang aral.

Friday, December 05, 2008

DUAL BOOT VISTA AND XP


Recently, I bought a new laptop to replace my old SONY VAIO B Series,a special edition model of HP DV6500. My plan was to dual boot Vista and XP in a single machine. The hard disk is a whopping 200GB storage so I have the luxury to play around with its partition. This is how I subdivided it: 50 for Vista, 50 for XP and the remaining for data storage. My main goal is to be familiar with Vista without removing XP as an option in case some of my programs wont work in Vista. And so everything went as planned. The DV6500 is originally designed for Vista. That is why there was no problem installing drivers for Vista. After the Vista installation, I proceeded immediately with the XP installation. Upon installation it automatically reconfigured the bootloader of Vista. Meaning to say Vista was nowhere to be found during boot up. Thanks to some helpful computer geeks in the internet,I managed to obtain a software to fix this problem. Actually this was just the lesser problem. The real headache was in the loading of drivers that will work for XP. Although most drivers are downloadable in the HP website itself, some were not available. So I have to search for other resources. It took me almost a week to remedy this problem. But for sure it was worth the effort.

My machine is now up and running. Surprisingly I started to like Vista. At first it was XP that I oftenly used, but eventually as I learned new tricks and new features in Vista, I appreciated it more and more. Performance-wise I prefer Vista more than my already tweaked XP. In terms of program conflicts there is none at the moment. All my programs in XP went pretty well in Vista.

I would like to try installing Vista in MAC some other time. That would be cool I suppose.