Monday, November 08, 2004

BATUGAN MODE


Ilang linggo na ring hindi ko nasisidlan ang aking "garapon". E paano ba naman lintik na trabaho 'to para na kong kalabaw kung kumayod !!! Tatlong magkakasunod na linggo dumaan ako sa matatawag na "hell week" . Di na kasi ko magkandaugaga sa dami ng trabaho. Pati ba naman Sabado't Linggo pasok pa rin... Unti unti na ata akong nagiging Nihonjin , na umuuwi lang sa bahay para matulog ...wala ng social life. Pambihira talaga imbis na i-blog ko itutulog ka nalang .
Kaya naman nitong mga nakaraang araw bawi naman. Ayoko na ayoko na ayoko na magtrabaho!!! It's time for BATUGAN MODE. Babangon lang para kumain ... ayun e wala pang lutuan kain na lang sa Matsuya (isang murang kainan rito). Mula umaga hanggang gabi sa kwarto lang nakahilata, nakatunganga, nagmumuni ng kung anu-ano na wala namang katuturan. Di namamalayan maghapon na pala ang nagdaan. Naku nakalimutan ko na atang maligo hehehehe. Panood-nood ng dvd pero di naman natatapos dahil mayamaya lang tulog na naman. Hay ang sarap maging batugan.
Ang sarap siguro ng buhay ng mayayaman, yung mga di na kailangang magtrabaho para mabuhay. Ganito rin kaya yun.
Kaso ang prublema lalaki na naman ang mga baby fats ko sa chan pag lagi kong ganito ;))

Friday, October 29, 2004

THE RETURN OF SMALLVILLE


It's a bird...it's a plane...no its Superman...it's back!!! Yes peepz it's definitely back. Another great season for Smallville has just started last September in US. Airing on it's 4th season, Smallville promises another exciting and surprised-filled episodes. So far I've already seen the first five episodes and geez they're great!!! I like the addition of the character of Lois Lane who everyone knows will be the love interest of our main protagonist eventually. There's this one episode I really really like. The episode where they had Flash as a guest...those moments where they chase each other are just awesome.
I'm really excited to see the next episodes.

Tuesday, October 12, 2004

LAND OF THE HARD-HEADED



One night, a long time ago, my testosterone level was way up high...and here's what I made out of it :

my life has been one hell of a mess
long i've been waiting for the ultimate bliss
but due to my hard-headedness
everything has gone amiss

thanks to a beautiful maiden
who brought me to the seventh heaven
where i could be happy
and somehow be glee

she guided me to a journey
that was so strange to me
i asked where we're going
she said to the place i've been longing

not a minute has gone
and i'm nearing her realm
with my strong potent hands
i reached for her Wonderland
where only the hard-headed could take a glance
and only the powerful could bear and stand

and then we became one
together we made a universe
that shook the stars
and moved the heavens
the ebullience of our passionPosted by Hello
inundated our unison

thats why when i'm full of misery
i dont pray the rosary
instead i contemplate my journey
to the land of the hard-headed entity

QUOTE FOR THE DAY


As I was perusing some of the post made by other bloggers in the net , I came across this wonderful quote:

"WHAT LOVE UNITES, EVEN DISTANCE CANNOT DIVIDE "

All of a sudden I miss my honhon (kelan ko kaya mayayakap ulit si honhon ko???)
It's really hard to have my significant other thousands of miles away from me. I miss our precious time together...those memorable laughs we had...those petty quarrels and moments of crying( iyakin kasi si honhon e)... all the places we've been to. Basically every moment that we shared together. I really do hope that the essence of this quote holds true for us. Distance will prove to be powerless eventually. Posted by Hello

Thursday, October 07, 2004

TINDAHAN NI ALING CHING

Galing ako kanina sa isang Filipino Store rito sa may Tsurumi. Napapadalas na rin ako rito pag walang magawa sa dorm. Kachikahan ko na ung may ari si Aling Ching. Bukod rito masarap rin kasing kakwentuhan ang mga naabutan kong mga kababayan natin dun na kung di kumakain, namimili ng kung anu-ano, hiram ng video tape, o kaya tambay lang tulad ko. Talagang sari-sari ang mabibili rito ( ang mamahal nga lang ng iba :) ) Pero minsan pinapatulan na rin kahit mahal. Tulad ng mga pagkain nila nabili na lang ako minsan kesa magluto pa . Sa halagang 500 yen o 250 pesos isang ulam pa lang yun...pero dadamihan na rin ni Ate Rose basta chikahin at chismisan mo lang . Tuwing Sabado at Linggo naman meron silang tabehodai o 'eat all you can' na minsan ko lang sinubukan dahil nakakapanawa rin yung mga pagkain nila.
Hindi lang mga paninda ang samut sari rito. Dito ko rin nakilala at nakasalamuha ang ibat-ibang klase ng Pinoy rito sa Japan. Anjan ang mga gemba boys na akala mo goons at sanggano ang itsura pero sumasahod ng aabot sa 50 lapad sa isang buwan...malaki pa sa ordinaryong nagoopisina rito. Anjan rin ang mga engineers na tulad ko na intra-company transferee galing sa Pinas... mga nakakurbata pero daig pa rin ng mga gemba boys sa dami ng lapad. Anjan rin ang mga kababaihang nagtratrabaho sa mga omise ( parang GRO sa Pinas ang mga eto pero sabi nila hanggang table lang daw sila) na akala mo ay takot sa araw dahil sa gabi lang naglalabasan. Anjan rin ang mga ex-omise workers na ngayon ay iginarahe na ng fafang Hapon at ngayon ay permanent visa na rito.
Ibat-ibang tao, ibat-ibang kwento. Lahat makulay, may bahid ng tagumpay may bahid ng lumbay. puno ng pakikipagsapalaran, puno ng pakikipaglaban. Lahat umiikot ang buhay nagtatagpo ng landas sa isang munting tindahan... ang Tindahan ni Aling Ching

Wednesday, October 06, 2004

NIHON


Isang buwan na lang , mag iisang taon na pala ko rito sa lupain ng mga sakang. Nihon kung tawagin nila ang kanilang bansa...Land of the rising sun sabi nila...Land of opportunity at land of LAPAD naman para sa mga kababayan nating Japayuki.

Lupain ng makabago at maunlad na teknolohiya
...Unang dating ko pa lang rito namangha na agad ako sa lufet ng sistema ng transportasyon nila. Kung ang sa Amerika ay ang salasalabat na flyovers at interstate highways, na akala mo ay hinabi tulad ng sapot ng gagamba, ang sa mga Hapon naman ay ang napaka kumplikadong linya ng mga tren. Kayang marating ang kasuluksulukan ng Japan sa pamamagitan ng mga ito. Nakapanliliit tuloy isipin pag ikinukumpura ko ang transportasyon sa Pinas. Pag pinagtabi mo ang dalawang bansa para bang nasa Jurassic Age pa lang tayo :) Para nga siguro itong ID ng mga mayayamang bansa tulad ng Japan, na di man tuwirang sabihin ay nararamdaman mong ipinapahiwatig na eto kami , eto ang yaman namin.
...Saan ka man magpunta kapansinpansin ang teknolohiya kahit sa payak na kaanyuan lamang. Usong uso sa kanila ang mga Vendormachine...huhulugan na lang ng pera para makuha mo ag produkto o serbisyo na nais mo. Mapa yosi, softdrinks,snacks,tiket sa tren,tiket sa kainan,paggamit ng mga public locker, pagbayad sa mga bus, at maging paggamit ng mga public computers para sa internet.
...Tulad sa Pinas text adik rin ang mga tao rito. Laganap rin ang ketai o cellphone sa mga Nihonjin. Yun nga lang iba ang sistema na kanilang ginagamit. Kakaiba sa nakasanayan nating GSM sa Pinas. Kaya nakakainis para sa mga kababayan natin na umuuwi kasi magka cellphone man sila rito di naman nila maiuuwi sa Pinas dahil di rin naman gagana. Gumamit kasi sila ng sarili nilang sistema ung tinatawag na i-mode na mas advance kumpara sa Europe at US. Laganap na rito ang 3rd generation ng cell phone na kung saam maari ng makapagsend ng mga streaming videos, subalit sa Europe at US e halos nagsisimula pa lamang. Ganun talaga ang mga Hapon e gusto nila may sarili silang sistemang ginagamit. Maging sa pagsulat nga e, minodify nila ung sulat ng mga Intsik at gumawa sila ng sarili nilang mga titik na ayon sa kanila ay simplified raw.
...Nagkalat rin rito ang maraming mga electronic gadgets na mabibili mo sa murang halaga lalo na sa mga secondhand shop. Ang kaledad ng mga mabibili mong secondhand na gamit ay di rin nalalayo sa bago...d pa laspag. Ang isang maghapon na lang na ikutin mo ang Akihabara mahihilo ka na at magsasawa sa dami ng mga electronic products.

Marami pa kong di napupuntahan, nalilibot, nagagawa at natutunan rito sa Japan, subalit maituturing ko na rin na magandang alaala ang paninirahan ko rito sa Japan. Masarap rin manirahan rito kaya nga lang malayo sa mahal ko. Ilalagay ko na lang sa garapon ng mga alaala ko ang bansang Nihon
Posted by Hello

Sunday, October 03, 2004

BAKIT GARAPON???

Dahil ba mukha akong garapon??? Posted by Hello

Hindi naman siguro ... at least sabi ng nanay ko.
Naalala ko tuloy nung bata pa ako mahilig kaming magtago sa bahay ng kung anu-ano sa garapon...mapa coins na panukli sa tindahan,kendi, biskwit . Isang magandang paghahambing sa garapon ang blog na ito. Nasisidlan ng kung anu-anong mga bagay subalit di naman sya lubusang naitatago sa paningin dahil kita pa rin naman mula sa labas. Lalim ba? hehehe ang totoo nyan ala lang ako maisip na unang ipopost rito. Natuwa lang ako sa salitang GARAPON pinoy ang dating di ba. Ayoko kasing magpa cono tulad ng ibang nag bla-blog.
Bad trip nga e bat ngayon kolang nalaman tong blog na to, ang dami-dami kong gustong sabihin sa buhay-buhay, nakalimutan ko na nga yung iba. Pero ngayong may GARAPON na ako maiipon ko na lahat ng mga walang kakwentakwentang bagay na naiiisp ko.