
Monday, July 10, 2006
VACUUM
Pagkatapos ng ilang araw na pagiisip, pagninilaynilay sa mga bagay-bagay, bigla na lang ako ay na-blanko. Wari ko ako'y lumulutang sa isang vacuum. Ang paligid ay kadiliman. Malamig ang pakiramdam. Kakatiting ang liwanag. Walang nararamdaman, walang minamahal, walang pinahahalagahan. Importante lang ay ang sarili ko. Isa kaya itong defense mechanism ng isip ko upang makayanan ang masasakit sa damdaming nararanasan ko sa kasalukuyan. Sadya ba nyang pinamanhid ang puso ko upang di ko na maramdaman ang mga tinik na unti-unting itinatarak sa puso ko? Isa lang kaya itong normal na proseso sa isang taong pilit na nilalabanan ang mga mabibigat na pangyayari sa kanyang buhay? Sana nga ay ganun. Isa lamang itong proseso, panandalian, lilipas rin. Dahil ayoko mabuhay na laging may hinanakit sa puso, hindi nagtititwala, hindi nagmamahal. Gusto ko lang ay payak na buhay, may minamahal at may nagmamahal ng tunay. Kung ito'y isa ngang proseso sana ay matapos na buo pa rin ang pagkatao ko.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment