Friday, April 20, 2007

MEET MY DICK


i have a pet named DICK
whose head is hard as a brick
i admire his cute reddish cheeks
and his body as long as a stick
he lives in a dingy attic
like a forest with trees so thick
though sometimes he looks like a geek
he's life is definitely not a bleak
for he salivates for chicks
and plays with them his wily tricks
once my good friend marivic
had tried to play with my DICK
she let him taste and lick
her bacon more than an inch thick
to her surprise she became weak
'coz my hungry gluttonous DICK
devoured it like a lunatic
that's why i'm proud of my DICK
not for being a bacon freak
but because his darn fantastic!!!
do you want to meet my DICK?

♨ONSEN♨



Nakasama ako kamakailan sa riyoku o company outing sa Hakone. Sikat ang hakone dahil sa mga onsen o hotspring nito. Ito ang malimit na puntahan ng mga Hapon upang makaiwas pansamantala sa maingay at mabilis na buhay sa syudad. Lugar ito para mag-relax at magenjoy. Ito ang aking unang pagkakataon na mag-onsen. Medyo na culture shock ako nung una sapagkat pagpasok namin sa onsen ay walang kimi ang mga tao dun na magtanggal ng lahat ng saplot sa katawan. Medyo ilang pa nga ako nung una pero inisip ko na mas mukhang nakakahiya ata kung ako lang ang di magtatanggal ng saplot doon. Tanging naiwan lang sa akin ay ang kapirasong bimpo na nilagay ko na lang sa ibabaw ng ulo ko ng lumusong na ko sa pool ng mainit na tubig. Wala namang pinagkaiba sa mga hot springs natin sa Pansol Laguna. Dito nga lang ay mga hubad na kaluluwa ang makikita mo kahit saan ka lumingon. Sayang nga lang at magkakasama lang ang lahat ng lalaki at ganun rin ang mga babae. Ayon sa aking kasamahang Hapon ay may simbolismo raw ang pagiging hubad ng lahat ng tao rito. Ito ay upang matanggal ang lahat ng mga barriers sa magkakasama at maging kumportable sa isat isa. Sabagay makasabay mo nga naman ang presidente ng kompanya nyo na naglalakad ng hubot hubad parang ang feeling ay pantay lang kayo hehehe. Napansin ko rin na tahimik ang paligid bihira ang naguusap , kung meron man ay pauntunti lang. Mayroon mga patakarang sinusunod sa loob ng onsen. Bukod sa ang lahat ay nakahubad, dapat ring magbanlaw bago at pagkatapos gumamit ng onsen. Marahil ay kasama na rin sa mga patakarang iyon ang pagpapanatili ng katahimikan . Parang maluluto ang yagballs ko ng lumusong ako , pero habang tumatagal ay nakakarelax na sya sa katawan. ang sarap ng pakiramdam. Parang minamasahe ang buo kogng katawan. Subalit pag matagal na babaran nakakasakit ng ulo ang sobrang init. Siguro ay mga 15 mins lang ako nakapagbabad at umahon na rin agad ako para magbanlaw. Mababa kasi ang tolerance ko sa sobrang mainit. pagkatapos nun ay nakabihis na kami lahat ng yukata o bathrobe para kumain ng hapunan. Hanggang kinabukasan ay ito na ang naging suot namin. Masarap ang naging hapunan namin . Di ko na nga alam kung ano mga tawag doon basta lafang na lang ng lafang. Isang tradisyon rin ito sa mga nagririyoku na magkainan at maginuman pagkatapos mag onsen. Akala ko nga ay pagkatapos ng hapunan ay
tulugan na . Lumipat pa kami ng kwarto para sa karaoke at drink-till-drop sessions naman. Masaya sapagkat yung mga kaopisina ko na napakapopormal pag nagtratrabaho ay makikitaan mo ng lighter side nila. Ang katunayan nga para silang mga sinasapian ng demonyo pag nakakainom may nahulog sa upuan may nananadyak may nanghihipo ng ka-table na babae at may nagrock n roll pa. Karamihan sa mga hapon na kasamahan namin ay di na natulog hanggang umaga. Nagawa ko pa makaligo ulit sa onsen kinaumagahan pagkagising. Sa pagkakataong iyon ay medyo di na ko naiilang maglalakad ng hubo. Marami pang maaring mapuntahan sa paligid nito tulad na lamang ang pagdaan sa malapit sa bunganga ng bulkan sakay ng cable car subalit kinapos na rin sa oras. Sana ay makabalilk pa ulit ako sa lugar na iyon sa ibang pagkakataon.

Thursday, April 19, 2007

ELEKSYON 2007 CIRCUS OF THE STARS



Matagal tagal ko rin di nasilip ang mga lokal na balita sa ating bansa. Kahapon ay nakahanap ako ng oras para makapanood ng balita. Aba malapit na pala ang eleksyon sa tin kaya puro tungkol sa eleksyon na ang pinaguusapan. As usual bangayan ng
mga pro administration saka ng mga taga oposisyon. Pero teka muna tama ba tong nakikita ko. Parang may mali ata. Nagkapalitan na ba ng kandidato ang administrasyon at ang oposisyon?Si Tito Sotto, Tessie Aquino Oreta at Edgardo Angara, hindi bat mga kalaban ito ng pangulo sa aking pagkakaalam. Sila yung mga nagunguna nung inihahain ang impeachment laban kay Gloria nung panahon ng Hello Garci tape scandal. Hay baligtad na ata ang mundo. O baka baligtarin lang talaga ang mga utak ng mga ulitiko natin. Wala na bang makuha na kandidato ang administrasyon at kaya hinila na rin nila ang mga ito dahil sa pagkakaalam ko ay ayaw tumakbo ng ilang mga gabinete ng pangulo sa pagkasenador. O baka puno na ang slot ng Grand Opposition kaya hanap ng bagong masasandalan. Isang halimbawa ay si Tessie Aquino Oreta. Dahil sa ang pinili ng GO ay si Noynoy bilang kinatawan ng Aquino clan lumipat na lang sya sa kabila kahit na mula pa nung simula aykilalangkilala na sya bilang oposisyon. Asan na ang prinsipyo doon? Bukod pa rito ay makakalimutan ba ng tao ang "dancing queen act" na ginawa nya nung impeachment ni Erap. Si Ed Angara at si Tito Sotto hindi bat kilalang mga tagasuporta ni Erap ang mga ito. Bakit nasa tiket sila ng administrasyon ngayon? Dalawang dating lider ng coup d etat, si Gringo Honasan at si Trillanes, ay tatakbo rin. Kung mananalo si Trillanes, masasabi ko na maganda palang stepping stone ang mag alsa laban sa gobyerno para makilala ng mga tao. Dahil napatunayan na ito ni Gringo na ilang ulit ng nanalo sa kabila ng ilang beses nyang pagsabotahe sa gobyerno ni Aquino. Makukumpleto ba ang eleksyon kung walang tatakbong artista? syempre hindi, kaya nga anjan si Cesar Montano at Richard Gomez e. O di ba hindi lang pang pelikula pang pulitika pa . Sana lang ay di ang kasikatan nila ang tignan ng mga tao kundi ang kanilang magagawa sa ating bansa kung meron man. Sama mo na rin sa listahan si Victor Wood na tatakbo rin bilang Senador. Ang sayasaya!!! Showbiz na showbiz talaga. Lalo ako napakamot ng marinig ko na pati pala agng idol natin sa boxing na si Manny Pacquiaio ay tatakbo rin bilang congressman. Ay sus ginoo!!! Paano na yun pag nanalo sya bilang congressman at may laban sya sa boxing? Paano kaya sya iiintroduce? ...and on the right corner the reigning WBC superfeatherweight champion of the world Congressman Manny "Pacman" Pacquiao. Ang sagwa ata pakinggan Congressman Pacman hahaha!!!

Sana sa darating na eleksyon ay maging matalino na ang mga Pinoy sa pagboto. Matuto na sana tayo sa aral na nakuha natin sa paghalal ng mga tao na kasikatan lang ang pinanghahawakan. Sana ay mas maging mature na ang ating electorate na hindi na nagpapadala sa mga matatamis na salita ng ating mga TRAPOlitiko. Dapat ay pagbasehan ang kanilang naging track record at hindi lang ang mga lumalabas sa kanilang bibig.

HEROES



Recently I got hooked up watching a new TV series in US entitled Heroes. It's a story of ordinary individuals, living among us, who find out that they possess extraordinary powers. Its actually similar to X-Men in context, wherein humans are genetically altered or mutated which in effect makes them superhuman. There is this young politician who can fly, a cheerleader who is invincible, a painter who paints the future, a policeman who can hear everyones thoughts, a stripper who has an alter ego, a fugitive from law who can pass through solid objects , a Japanese guy who can stop time at will and can travel through time. Together, they try to figure out what is their ultimate destiny and the real reason why they possess such powers. Right now I'm already halfway through the first season.

Stories like this, where supernatural powers are involved , always catch my fancy. Even way back during college time, I greatly admire the stories of Greek and Roman Mythology. I dont know why. Maybe its the child in me that always crave for something paranormal or superhuman in nature. At the back of my mind I have this top 3 super powers I wish I have. First the power to teleport, so I can go anywhere I want to. At my current situation maybe I will work here in Japan at daytime then teleport myself to the Philippines at night so I can spend time
with my family. Second , power of invisibility so that I can sneak in to anywhere without being noticed. If I have this power you better watch out ladies hahaha!!! Lastly I want the power to hear other people's thoughts. With this I'm sure no one can lie to me. Wishful thinking as it may sound , the child in me always wanted to
believe that someday I can have any of these powers.

Wednesday, April 18, 2007

ANG TINDAHAN NI ALING CHING (REVISITED)

Mahigit dalawang taon rin ang nakalipas simula ng una akong nakatuntong sa tindahan ni Ching . Ngayon nadadaanan ko pa rin ang lugar na ito subalit wala ng makikitang bakas na ito ay dating tindahan at tambayan ng mga pinoy sa aming lugar. Naiwan na lamang ay ang madilim at malungkot na silid. Kamakailan lamang ay nagsara na ito. Ang pagkakaalam ko ay lumipat lang ito ng lugar sa di kalayuan. Nawala man ang lugar ngunit di nawala ang mga alaala kasama ng mga pagkakaibigang nabuo sa loob nito. Sa lugar na ito ako natutong makisalamuha sa ibang mga Pinoy rito sa Japan maliban sa aking mga kasamahan sa trabaho. Nung unang taon ko kasi rito sa Japan ay bahay opisina lang umiikot ang mundong ginagalawan ko. Makakalimutan ko ba naman ang hanggang madaling araw na pagiinuman at pagkwekwentuhan kahit pa may pasok ng maaga kinabukasan, o ang pagbibiruan at pagtatawanan habang nakain ng mga luto na 'pangat'(pangatlong init na ). Dito ko rin nakita ang ibat ibang bagay na maaring gawing sideline at pangdagdag sa pinagkakakitaan. Kahit papaano ay di ko maalis sa aking sarili na malungkot sa pagsasara ng lugar na ito. Iniisip ko na lang na ganun talaga sa buhay walang permanente. Naalala ko tuloy yung lagi kong naririnig sa Religion teacher ko noong high school sabi nya " earth is not our final destination, we're just passing through". Totoo nga naman. Subalit kung ganito ang katotohanan ng buhay ibig ba sabihin ay wala ng saysay ang ating buhay dahil mawawala rin naman kung ano ang meron tayo ngayon sa daigdig na ito? Pero sa tingin ko ay hindi naman siguro. Magkakaroon lang ng saysay ang buhay natin kung bibigyan natin ng kabuluhan ang mga bagay na napapasaatin at ang mga taong nakakasalmuha natin. Ang importante siguro ay sa maikling panahon ng pagdaan natin rito ay nahubog ang ating pagkatao ng mga bagay,tao at pagkakataon na ating hinarap.

Ngayon halos di na mabilang ang mga taong kakilala ko, at kung saan-saan na rin ako nakarating na Philippine store rito sa Japan, subalit nakatatak na sa aking isip na ang tindahan ni Ching ang isa sa mga humubog sa akin.

Naalala ko tuloy ang tema ng kanta ng Eheads. PLAY MUSIC


minsan sa may kalayaan
tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik
at kaya-kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo

chorus
ngunit ngayon
kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan
ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin
ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan

minsan ay parang wala nang bukas
sa buhay natin
inuman sa magdamag
na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya

repeat chorus

minsan ay hindi ko na alam
ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang
buhayin ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan
bakaikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan