Mahigit dalawang taon rin ang nakalipas simula ng una akong nakatuntong sa tindahan ni Ching . Ngayon nadadaanan ko pa rin ang lugar na ito subalit wala ng makikitang bakas na ito ay dating tindahan at tambayan ng mga pinoy sa aming lugar. Naiwan na lamang ay ang madilim at malungkot na silid. Kamakailan lamang ay nagsara na ito. Ang pagkakaalam ko ay lumipat lang ito ng lugar sa di kalayuan. Nawala man ang lugar ngunit di nawala ang mga alaala kasama ng mga pagkakaibigang nabuo sa loob nito. Sa lugar na ito ako natutong makisalamuha sa ibang mga Pinoy rito sa Japan maliban sa aking mga kasamahan sa trabaho. Nung unang taon ko kasi rito sa Japan ay bahay opisina lang umiikot ang mundong ginagalawan ko. Makakalimutan ko ba naman ang hanggang madaling araw na pagiinuman at pagkwekwentuhan kahit pa may pasok ng maaga kinabukasan, o ang pagbibiruan at pagtatawanan habang nakain ng mga luto na '
pangat'(pangatlong init na ). Dito ko rin nakita ang ibat ibang bagay na maaring gawing sideline at pangdagdag sa pinagkakakitaan. Kahit papaano ay di ko maalis sa aking sarili na malungkot sa pagsasara ng lugar na ito. Iniisip ko na lang na ganun talaga sa buhay walang permanente. Naalala ko tuloy yung lagi kong naririnig sa Religion teacher ko noong high school sabi nya
" earth is not our final destination, we're just passing through". Totoo nga naman. Subalit kung ganito ang katotohanan ng buhay ibig ba sabihin ay wala ng saysay ang ating buhay dahil mawawala rin naman kung ano ang meron tayo ngayon sa daigdig na ito? Pero sa tingin ko ay hindi naman siguro. Magkakaroon lang ng saysay ang buhay natin kung bibigyan natin ng kabuluhan ang mga bagay na napapasaatin at ang mga taong nakakasalmuha natin. Ang importante siguro ay sa maikling panahon ng pagdaan natin rito ay nahubog ang ating pagkatao ng mga bagay,tao at pagkakataon na ating hinarap.
Ngayon halos di na mabilang ang mga taong kakilala ko, at kung saan-saan na rin ako nakarating na Philippine store rito sa Japan, subalit nakatatak na sa aking isip na ang tindahan ni Ching ang isa sa mga humubog sa akin.
Naalala ko tuloy ang tema ng kanta ng Eheads.
PLAY MUSIC
minsan sa may kalayaan
tayo'y nagkatagpuan
may mga sariling gimik
at kaya-kanyang hangad sa buhay
sa ilalim ng iisang bubong
mga sekretong ibinubulong
kahit na anong mangyari
kahit na saan ka man patungo
chorus
ngunit ngayon
kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan
ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin
ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
minsan ay parang wala nang bukas
sa buhay natin
inuman sa magdamag
na para bang tayo'y mauubusan
sa ilalim ng bilog na buwan
mga tiyan nati'y walang laman
ngunit kahit na walang pera
ang bawat gabi'y anong saya
repeat chorus
minsan ay hindi ko na alam
ang nangyayari
kahit na anong gawin
lahat ng bagay ay merong hangganan
dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
di na mapipilitang
buhayin ang ating pinagsamahan
ngunit kung sakaling mapadaan
bakaikaw ay aking tawagan
dahil minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan
No comments:
Post a Comment