Thursday, June 29, 2006

CROSSROADS


Totoo pala yun na kapag ikaw ay nasa crossroad ng iyong buhay... di alam kung ano ang gagawin...ano ang pipiliin...ano ang susundin...walang mahingahan ng prublema...kausapin mo lang Siya at di maipaliwanag na lilinaw ang pagtingin mo sa mga bagay na kinakaharap mo. Parang ibinulong nya sa iyo na ganito ang dapat mong gawin. Of course not physically na makikita mong ibinubulong nya , subalit madarama mo na you're on the right track. Para bang yung conscience mo is God's way of talking to you. Naalala ko tuloy yung isang linya ng kanta sa simbahan " God will make a way for you" Truly He leads us to the right way. ang sarap ng feeling .Times like this, now I know whom to turn to

God will make a way
God will make a way
Where there seems to be no way
He works in ways we cannot see
He will make a way for me
He will be my guide
Hold me closely to His side
With love and strength for each new day
He will make a way He will make a way

By a roadway in the wilderness
He'll lead me
And rivers in the desert will I see
Heaven and earth will fade
But His word will still remain
He will do something new today
 Posted by Picasa

Wednesday, June 28, 2006

COLD SUMMER NIGHTS


It's already end of June. The peak of summer is at the corner. Everyday , it's getting hotter and hotter. The last time I looked, one sunny morning, at the gigantic temp gauge across the streets of Kawasaki, it read 32 deg C. Not so high compared to the summer in Manila, but, I've been used to chilling temperatures the past few years. That's why it's getting into my nerves when I have to walk 5 to 10 mins under the scorching summer sky on my way to the office everyday. Every morning is reminiscent of Jesus's walk to Calvary. Of course an exaggeration, but truly that is how I feel about it lately. Every step I make, tons of my baby fats melting. Upon reaching the train station, I have to literally throw myself in just to get a tiny spot inside the jumpacked train. Although there is an airconditioning system inside, I feel like the temperature doubles every kilometer we travel. To add insult to the injury, I have to sniff for the next 15 minutes the sweaty stinky smell of people around me. Just like me, they all have to endure this agony. By the time I reached the office, I feel like I haven't taken a shower for the longest time.

And that's how my summer morning feels like...

When it's time for Mr. Sunny to slumber...when I'm alone in bed contemplating... everything else changes. Outside, air is still dry and temperature subsides a little. But deep inside...things start to get colder...and colder...and colder...to the point that I feel numb... numb for pain...numb for worries...numb for anger...The only fire that warms my heart is love. So strong that it cannot be extinguished even by the coldest temperature there is . I'm asking myself...Until when I have to stay cold? I'm chilling ...

Cold Summer Nights
by Francis M

I keep on blaming my self
I should have eaten my pride
how can i convince you
its just a matter of time

many times i've hurt you
with my foolish ways oh girl
now i know i have to pay the price

is there a way for u to turn around,
turn around and come back baby
ohh baby cant u see

[Chorus:]
its been cold summer nights since we drifted apart
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz i miss you baby, i need you here

[RAP]
cold summer nights girl, i really miss you
you rocked my world
i wanna touch you and kiss you
its my fault
i never called you at home
i'm on the phone, wishing you could call
i'm all alone
is there a way for you to turn around and
come back to me
i hope you understand
that i'm your man and together we can
kiss and make up
'coz you know i cant stand

[Chorus:]
its been cold summer nights since we drifted apart
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz i miss you baby, i need you here



 Posted by Picasa

Saturday, June 24, 2006

PAGLALAKBAY


ako'y naglalakbay...
nagtungo sa ibang bayan
hangad ang masaganang buhay,
mapagbuti ang kalagayan

batid kong sa simula pa lang
na lahat ay panandalian
'pagkat akoy may iniwanang
isang pusong pinangakuan,

aming mga landas
muling pagtatagpuin
sa tamang oras,
sa tamang pagkakataon

ako'y naglalakbay...
at sa aking paglalayag
nalihis sa aking malay
nawala sa pagmamatyag

ibang direksyon na pala
ang aking tinatahak
lubhang naging abala
naisantabi ang dating balak

paikot-ikot lang naman
walang pinatutunguhan
usad ay dahandahan
lalong natagalan

ako'y naglalakbay...
nawaglit sa aking isipan
na may pusong nagaantay
sa pagkakalayo'y nahihirapan

ako'y natauhan
ngayon na ang panahon
upang ipihit ang timon
pabalik sa iyong direksyon

mapanganib na karagatan
ang akin pang lalakbayin
sana ay antayin
sa aking pagdating...
 Posted by Picasa

Friday, June 23, 2006

ESEP ESEP!!!


ang hirap talaga magisip ng para sa sarili . pero pag ibang tao ang may prublema ang dali magpayo ng kung anuanong bagay. dahil ba sa walang personal attachment ang mga desisyong binibitawan mo kapag nagpapayo ka lamang ? kaya hindi sumasagabal yung mga personal na isinasaalang alang mo .walang mga inhibitions ang nanaig sa pag iisip
ng mga solusyon sa prublema . kaya masarap talaga ang pakiramdam ng may bestfriend na syang sinasabihan ng mga prublema at matiyagang nagpapayo sa yo . dahil sila nakikita nila yung mga bagay na di mo nakikita sa sarili. nasa kanila yung tinatawag na "looking from the outside" advantage. pero paanong gagawin ko kung ngayong may prublema ako sa pagibig at ang tinuturing kong bestfriend ko ay siya ring girlfriend ko. kanino pa ko magsasabi ng prublema ko ? sino pa ang magpapayo sa kin ? ang hirap palang binubuhos ng sobra ang lahat sa pagibig. parang nawawala na ang pagkatao mo kapag nawala na rin ang iniibig mo. tama pala yung narinig ko sa kaibigan ko noon dapat ay nagtitira pa ng para sa sarili. pero ganoon talaga ayoko namang sisihin ang sarili ko. mabuti na siguro yung ibuhos ang lahat , tutal kung masasaktan naman sa huli natural lang naman yun e. bahagi ito ng umibig ang masaktan. para bang nagaaral magbisikleta o mangabayo, bahagi nito ang bumagsak sa simula . kaya bakit ba ko matatakot na masaktan? ang mahalaga ay naging tapat ako sa sarili ko .marami pang mga bagay bagay ang nasagi sa isip ko at dapat kong bigyan ng panahon para mapagisipan ng mabuti.

tumatakbo ang oras lumalakad ang panahon. hawak ko ang oras ko ngunit di ang panahon, ayokong dumating ang panahon na pati ang puso mo ay di ko na rin hawak. kailangang mag-esepesep!!! Posted by Picasa

Wednesday, June 14, 2006

BURNOUT


Burnout
" a psychological term for the experience of long-term exhaustion and diminished interest "

Unang napasok sa isip ko pag naririnig ang salitang ito ay ang kandilang may sindi. Unti-unti ay natutunaw ang kandila, umiiksi ang mitsa. Hanggang sa ang apoy sa mitsa ay tuluyan ng kainin ng natunaw na kandila.Wala ng init, wala ng liwanag.

Nararanasan ko ito sa trabaho ngayon. Magtatatlong taon na ko na nagtratrabaho rito sa Japan. Pagod na ko...hindi pisikal kundi emosyonal na pagkapagod. Sawa na ako sa ginagawa ko. Bawat kilos ay mekanikal. Para na akong robot nito na nakaprogram na ang gagawin sa arawaraw. Wala na ang puso sa trabaho. Minsan ay para rin akong multo, palutang lutang lang sa paligid. Pakiramdam ko ay wala akong na-aaccomplish na kahit ano. Pero minsan naiisip ko, natural lang naman siguro ang ganito sa mga nagtratrabaho. Kailangan lang siguro ay makahanap ako ng paraan para madagdagan ang motibasyon ko na magtrabaho. Kailangan lang rin siguro na ipaalala ko ang sense of purpose ko sa pagtratrabaho ko rito.

Kamakailan ay narealize ko na hindi lang pala sa trabaho nararanasan ang burnout. Maging sa larangan ng pag-ibig ay nadaan rin sa ganitong yugto. Ramdam ko na nararamdaman rin nya ito. Nababawasan ang apoy sa kandila. Marami ng mga bagay ang nabago. Ayokong dumating sa punto na lunurin na lang ang apoy at di na kailan pa masindahan pa. Napaisip ako... Akala ko kasi ay di nauubos ang kandila. Akala ko ay habang buhay akin na ang kandila. Isa akong hangal!!! May kandila ba namang hindi nauubos? Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat...sana.



Burnout
by Sugarfree

O wag kang tumingin
ng ganyan sa �kin
wag mo akong kulitin
wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo
ako rin ay nagbago
di na tayo katulad ng dati
kay bilis ng sandali

O kay tagal kitang minahal

Kung iisipin mo
di naman dati ganito
teka muna teka lang
kailan tayo nailang

Kung iisipin mo
di naman dati ganito
kay bilis kasi ng buhay
pati tayo natangay

O kay tagal kitang minahal

Tinatawag kita
sinusuyo kita
di mo man marinig
di mo man madama

O kay tagal kitang mamahalin
 Posted by Picasa

Tuesday, June 06, 2006

BBFILIPINO


Nitong nakalipas na mga buwan isa sa mga kumain ng oras ko ay ang paga-arubaito(extra job) ko sa BBFILIPINO.

Ang BBFILIPINO (BroadBand Filipino) ay isang web service (http://www.bbfilipino.com) na kung saan maaring mapanood ang mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas. Actually isa itong video streaming website kagaya ng mga napapanood natin sa YOUTUBE,YAHOO MOVIES o sa MSN VIDEOS. Lumalabas na para itong isang cable service na ang ipinagkaiba nga lamang ay internet based lang ang BB at limitado lamang sa mga palabas sa local tv sa Pinas ang mapapanood rito.Ito ay nasa trial phase pa lang kung kayat pawang mga Pinoy rito sa Japan pa lang ang target na market nito.

Nagkataong naging kadikit ko ang may ari nito kung kayat maswerteng nahila ko para magtrabaho. Customer assistance ang trabaho ko rito. Ako ang nag aassist thru phone sa mga customers kapag may katanungan sila sa pagpapasubscribe, paraan ng pagbabayad, subsciption status, pag connect for the first time, at kung anu-ano pa . Pero nung kalaunan ay pati mga technical aspect ay sakop ko na rin like pagsetup or pagtroubleshoot ng pc ng customer na kung minsan ay sinasadya ko pa sa kanilang bahay. Generally basta lahat ng mai-encounter ng customer na prublema sa pag connect sa BB, lahat yun parte ng trabaho ko.

Hindi gaanong mabigat ang trabaho kung tutuusin. Dahil all the time naman e nakaupo lang ako para sumagot sa tawag ng mga customer.Yun nga lang paminsan-minsan ay makakatagpo ka ng mga masusungit na customer lalo na pag nasisira ang server ng BB, katakut-takot na paliwanagan. Enjoy rin naman dahil karamihan ng mga subscribers ay naging kaibigan ko na rin. Lalo tuloy nadagdagan ang circle of friends ko rito sa Japan. Broadband na rin pati mga kaibigan ko. Nung una ay nahirapan ako dahil yung oras na dapat ay pahinga na ko pagkagaling sa una kong trabaho, ay siyang nagiging simula pa lamang ng pangalawa kong trabaho. Subalit ng lumaon ay naka-adjust na rin ang katawan ko dagdag pa rito ang kasiyahang dulot sa kin dahil nag-eenjoy na rin ako sa aking ginagawa. Isipin mo nga naman dumadami na kaibigan ko nadadagdagan pa budget ko, hehehe.
Nakakatawa ngang isipin na kung minsan ay mas nageenjoy na ko sa ginagawa ko sa BB kesa sa totoong trabaho ko sa opisina. Bakit kaya? Nabobore lang ba ko sa opisina? O dahil ba mas malaki ang bayad sa kin per hour rito sa BB kesa sa opisina. Ang totoo ay di ko sigurado kung bakit, pero sa tingin ko ay dahil na rin patuloy na dumarami ang kaibigan ko sa BB. At siguro, ayun ang mas mahalaga para sa akin, ang mapalibutan ng maraming kaibigan.
Posted by Picasa

Friday, June 02, 2006

RETURN OF THE COMEBACK


Pagkatapos ng isang mahabang hiatus sa paglalagay ng entry dito sa blog ko ay bigla na lang akong umusbong na parang kabute... ano nga ba talaga ang nangyari? Ang totoo nyan e napakaraming mahahalagang bagay ang nangyari sa aking buhay subalit nakaligtaan kung isilid rito sa aking garapon. Tulad ng title ng entry na ito, "return of the comeback", naging isang redundancy ang buhay ko. Paulit-ulit sa paggawa ng pareparehong bagay araw-araw. Same old shit different day.
Pinilit kong isilid sa garapong ito ang mga nangyari sa kin, subalit
lubha akong abala, masyadong mabilis ang takbo ng buhay rito sa Japan,
masyado ring mabilis akong natangay sa agos nito. Kaya ngayon ay heto
pinipilit i-composed ang mga bagay bagay, hinay-hinay konti, kapit muna
sa king garapon. Iba pa rin talaga ang pakiramdam ng nailalabas ang mga
pansarili kong sentimento. Para akong may matalik na kaibigan, yun nga
lang isang garapon, hehehe.
Sana ay magtuloy-tuloy ng magkaroon ako ng dedicated time sa pagsulat
ng mga entry sa blog na ito. Naway ang mga kwento, aral, puna at kung
anu-ano pang mahahalagang bagay na mailalagay ko rito ay makatulong sa
aking sarili upang himayin ang mga nangyari na, namnamin ang kasiyahang
dulot ng mga nangyayari sa aking buhay, at lagyan ng direksyon ang mga
bagay bagay na tatahakin ko pa.
Posted by Picasa