
Burnout
" a psychological term for the experience of long-term exhaustion and diminished interest "
Unang napasok sa isip ko pag naririnig ang salitang ito ay ang kandilang may sindi. Unti-unti ay natutunaw ang kandila, umiiksi ang mitsa. Hanggang sa ang apoy sa mitsa ay tuluyan ng kainin ng natunaw na kandila.Wala ng init, wala ng liwanag.
Nararanasan ko ito sa trabaho ngayon. Magtatatlong taon na ko na nagtratrabaho rito sa Japan. Pagod na ko...hindi pisikal kundi emosyonal na pagkapagod. Sawa na ako sa ginagawa ko. Bawat kilos ay mekanikal. Para na akong robot nito na nakaprogram na ang gagawin sa arawaraw. Wala na ang puso sa trabaho. Minsan ay para rin akong multo, palutang lutang lang sa paligid. Pakiramdam ko ay wala akong na-aaccomplish na kahit ano. Pero minsan naiisip ko, natural lang naman siguro ang ganito sa mga nagtratrabaho. Kailangan lang siguro ay makahanap ako ng paraan para madagdagan ang motibasyon ko na magtrabaho. Kailangan lang rin siguro na ipaalala ko ang sense of purpose ko sa pagtratrabaho ko rito.
Kamakailan ay narealize ko na hindi lang pala sa trabaho nararanasan ang burnout. Maging sa larangan ng pag-ibig ay nadaan rin sa ganitong yugto. Ramdam ko na nararamdaman rin nya ito. Nababawasan ang apoy sa kandila. Marami ng mga bagay ang nabago. Ayokong dumating sa punto na lunurin na lang ang apoy at di na kailan pa masindahan pa. Napaisip ako... Akala ko kasi ay di nauubos ang kandila. Akala ko ay habang buhay akin na ang kandila. Isa akong hangal!!! May kandila ba namang hindi nauubos? Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat...sana.
Burnout
by Sugarfree
O wag kang tumingin
ng ganyan sa �kin
wag mo akong kulitin
wag mo akong tanungin
Dahil katulad mo
ako rin ay nagbago
di na tayo katulad ng dati
kay bilis ng sandali
O kay tagal kitang minahal
Kung iisipin mo
di naman dati ganito
teka muna teka lang
kailan tayo nailang
Kung iisipin mo
di naman dati ganito
kay bilis kasi ng buhay
pati tayo natangay
O kay tagal kitang minahal
Tinatawag kita
sinusuyo kita
di mo man marinig
di mo man madama
O kay tagal kitang mamahalin

1 comment:
Ang kandila at ang liwanag ay magkatuwang. Sila ay parang isang entity lamang. Pagsinabi mong kandila liwanag ang pumapasok sa isip ko at pag sinabi kong liwanag kandila agad ang nasa isip ko. Samakatuwid sa ganang akin lamang ay tinuturing ko nang ang kandila ay liwanag at ang liwanag ay kandila.
Tunay ngang masarap pagmasdan ang sumasayaw na apoy na kandila , puno ng liwanag dama ang init, subalit ang ikinalulungkot ko lamang ay di ko pa pagaari ang kandilang ito. Baka matunaw na lang ito ng hindi ko pa muling nahahawakan
Subalit matunaw man ang kandila, nakatatak na sa isip ko ang init at liwanag na naidulot nya sa akin. At iyon ang panghabambuhay.
Hindi pa naman siguro huli ang lahat maitatago ko pa ang kandila...
Post a Comment