Friday, October 06, 2006

LIGHT AT THE END OF THE TUNNEL


I am walking down a tunnel. Everything is dark. Afraid that i might hit something or make a wrong turn. Unsure if I am heading for the right direction. Exhaustion and anxiety is catching up on me. I'm suffocating , gasping for air, but still i keep on walking, looking for the way out. I know this would be a long tunnel ahead of me but still i go on, trying to find the light at the end of the tunnel. im not sure if i should make this hastily or should i take my time, one thing I'm sure though, it will be over as soon as i reach the end of the tunnel ...


...and then I woke up.

Spooky! I thought it was a near-death experience where I will see a light at the end of the tunnel. I can still remember the feeling of fear in there. That dream as fearful as it maybe, it left me pondering about its meaning. Im bothered. Im trying to connect my life right now to this dream. In a way I can see similarities, I can see connections. But then again Im not sure. Could this tunnel be metaphorically representing my life? Is the darkness of the tunnel represents my depression at the moment?And that my desire to see the light at the end of the tunnel is my desire to be happy again. Am I afraid that I might not see happiness again after a long while? One thing good though is that I keep on walking, finding for the light, finding for my happiness. Posted by Picasa

Thursday, September 21, 2006

PRISON BREAK IS BACK


Prison Break is back!!! Now on its second season, it promises a whole lot of action and suspense. But this time, outside the confines of Fox River Penitentiary, as the authorities launch an all-out manhunt for the fugitives led by Michael and his brother. So it turned out that escaping the prison cell, is not just what the virtuoso planning of Michael is all about. This time they have to escape, not anymore from the physical prison, but from the eyes of the people chasing them. As what Michael said in the previous episode and I quote "Escaping Fox River is just the beginning". Indeed , all the excitement is just starting to boil up. So far I have seen the first 4 episodes of the season and I'm so damn eager to see the succeeding episodes.
 Posted by Picasa

Friday, September 08, 2006

GREY'S ANATOMY


I don't know exactly why I enjoyed watching this TV series. At first I just tried watching a couple of episodes to check out the voloptuous Katherine Heigl and see if it will catch my fancy. And without even noticing, I finished all the 9 episodes of the first season. Im not a doctor or into medicine, thats why its really a big surprise for me to be hooked up on this.

The story revolves around Meredith Grey and her friends as they face each day saving lives as an intern at Seattle Grace Hospital. As doctors , saving lives is what they do but behind the scenes, they also have their personal issues to deal with. It focuses on young people struggling to be doctors and doctors struggling to stay human. Each episode we can witness the the interns as they form friendship and at the same time remain competitive in their field as they juggle the ups and downs of their own personal lives.

Its really a mix of drama and comedy. I love it when the scene involves Dr Miranda Bailey and George. Its funny. I have this favorite line when Dr Bailey told George while helping her to give birth to her child. George said something like " O Dr Bailley I can now see his head coming out, he has a thick hair though. And then Dr Bailley said," O'Malley will you stop looking at my vajayjay!!!"

Right now I'm watching the final episodes for season 2 and still I'm very much hook up to this series.

 Posted by Picasa

Friday, September 01, 2006

A BITTER PASSAGE

im lost i dont know where to start
im picking up the pieces of what has been left of me
im so fragile ... so vulnerable ...
im so pent up with my emotions
im trying damn hard not to breakdown
im feeling the pain and bursting with tears
i need to release this ...its a process
thats what im telling myself, this is just a process .
and then afterwards, healing sets in
lessons learned, forgiveness granted
ready to start a new chapter of life
and love will again flourish just like before
love that ceases no more.

 Posted by Picasa

IKAW FOREVER

Inutusan ako ng isang tinig na lumakad sa kanyang hardin at pitasin ang para sa akin ay ang pinakamagandang bulaklak na makikita ko. Di ko batid kung gaano kalawak ang hardin at kung gaano ako katagal palilibutin sa kanyang hardin. Sa bukana pa lang ay marami na akong nakitang kahalihalinang bulaklak. Tuwing may nakikita ako para pitasin , akala ko ay ayun na ang aking bibitbitin palabas ng hardin . Subalit nalilihis ang aking pansin kapag nakakakita ako ng higit na mahalimuyak na bulaklak. Nitong huli ay hawak ko na ang bulaklak na gusto kong pitasin at dalhin papalabas ng hardin . Subalit lubhang mataas at malayo ang kinalalagyan ng sanga nito. Nahihirapan akong abutin ito at panatilihing nakakapit sa kanya. Pumipiglas sya sa aking kamay. Nasasaktan ako dahil natutusok ako ng kanyang mga tinik. Pero tinitiis ko ang hapdi sapagkat sigurado na ako eto ang gusto kong ilabas sa hardin. Hanggang sa di ko na makayanan binitawan ko na rin ang bulaklak. Subalit nanatili pa rin akong nakatayo sa harapan nya...Di makapaniwala na magagawa kong bitawan ang kakaibang bulaklak na ito. Nagiisip ng paraan upang maabot ko pa sya. Naguguluhan ako sapagkat di ko alam kung dapat na ba akong lumakad sa hardin baka may higit na magandang bulaklak pa sa dako roon. Sa kabilang banda naman ay nanghihinayang akong iwan ang bulaklak na ito. Parang ayoko na atang lumakad pa, antayin ko na lang palabasin ako ng may-ari ng hardin. Nakita ko na ang gusto ko...

PLAY MUSIC

ikaw forever
by brownman revival

kung tama ito
bakit ang sakit
bakit ang hirap
ang daming bakit

kung tama ito
bakit parang mali
bawat sandali
di mapakali

chorus

ikaw ang aking pag-ibig
kahit na akoy di ibig
ikaw ang aking forever
kahit tayo ay di together

kung tama ito
dapat madali
pero bakit ngayon
puso koy hati

kung tama sayo
tama na rin sakin
mag bibilang na lang
sa langit ng mga bituin

chorus

ikaw ang aking pangarap
sanay kasamang nangangarap
at ikaw ay aking forever
kahit tayo ay hindi together


tagalog rap

o sinta, o sinta
bat kailangan mo pang lumisan
sinta, o sinta
wag mo sanang kalilimutan



chorus

ikaw ang aking pag-ibig
kahit na ako ay hindi ibig
ikaw ang aking forever
kahit tayo ay whoah baby baby

ikaw nga ba ay paalam
sa pag ibig na naharang
bakit hindi naging forever
na tayo ang naging together


naging together
sayo forever
ikaw forever
Posted by Picasa

Tuesday, August 01, 2006

SARAP

sarap- adj. paglalarawan sa lahat ng naidudulot mo sa akin.

o ang sarap magmahal, na ikaw ang minamahal
o ang sarap umibig na ikaw ang iniibig
o ang sarap tumula na ikaw ang hinahandugan
o ang sarap umawit musikang himig natin
o ang sarap matulog baon ang iyong halik
o ang sarap magising na ikaw ang kapiling
o ang sarap ngumiti na ikaw ang nagpapangiti
o ang sarap mong halikan, ang sarap yakapin
o ang sarap mong pagmasdan, ang sarap haplusin
o ang sarap mong suyuin, ang sarap pagbigyan
o ang sarap mong alagaan, ang sarap pagsilbihan
...lahat ng sarap ay ikaw


 Posted by Picasa

Friday, July 28, 2006

KAPALARAN

Lagpas isang taon ko na itong nasimulan. Akala ko nga ay nawala na. Ginawa ko para sa kanya Ibibigay
ko sana noong espesyal na araw na iyon...

akoy naniniwala
na ikaw ang itinadhana
mula pa sa simula
isinulat na ni Bathala

paano ko magagawa
na alisin sa alaala
ang isang tulad mo
nakaukit na sa king puso

libu-libo mang milya
ang pagitan nating dalawa
sadya yatang mahiwaga
patuloy na kinakaya

baon ang iyong alaala
kalakip aking pagsinta
mabisang sandata
laban sa pangungulila

patuloy sa pakikibaka
tadhana ang bahala
ako'y umaasa
tayo rin ang magsasama.

ako'y naniniwala
na ikaw ang itinadhana...


sabay kuha sa gitara to the tune of:

Play Music


KAPALARAN (MAKULAY NA BUHAY)
by: Kitchie Nadal
from : theme of "I Luv NY"


Unti-unting napag-iiwanan ng panahon
Sa aking paglalakbay
Mula hilaga, timog, silangan
Di mapipigil marating lang ang kanluran
Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Kapalaran, na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay

Inamin nararamdaman, inamin din kahit di ko kasalanan
Saksi ang kalangitan
Baliw man o martir ang itawag mo
Sa paso ng pag-ibig ko'y di madala

Kapalaran na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Kapalaran, na ika'y matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Hangad ko ay hindi magpa-awa o patawarin ka
Sa buhay na daig pa ang telenobela


 Posted by Picasa

SONA


Noong Lunes ay nanood ako ng SONA ng pangulo. Ito raw ang pinakamahabang naging talumpati ng pangulo. Mahaba nga dahil umabot ata ng isang oras mahigit.

Nanunuod talaga ako kapag may SONA ang pangulo. Magandang pagkakataon ito upang malaman kung anu-ano na ba ang nangyayari sa ating bansa bukod sa pang arawaraw na balita na naririnig natin na puro batikos na lang at kung anu-anong negatibong bagay. Minsan tuloy matatanong mo wala na bang magandang nagagawa ang pamahalaan dahil ang lagi na lang pinaguusapan ay tungkol sa katiwalian at pagpapalitang ng kanyakanyang baho ng mga pulitiko. Nauubos ang panahon ng mga pulitiko lalo na ang mga mambabatas sa mga bagay na wala namang katuturan. Samantalang maraming mas importanteng mga bagay ang naghihintay ng kanilang pansin. Nabanggit nga ni dating Pangulong Ramos kahapon na ang kasalukuyang Lehislatura ang isa sa mga unproductive in terms of naipasang bill sa ating kasaysayan. E paano nauubos sa kakainquiry ng kung anu-ano na wala namang kinalaman sa pagunlad ng ating bansa. Kapag may lumabas na scandal o kahit anong mainit sa media, asahan mo tatawagin na ito for Senate or Congressional inquiry. Ang dahilan nila ay for aid of Legislation daw.Kalokohan!!!Nakatulong kaya ang kanilang mga ginawang inquiry?O sa pagsulong lamang ng kanilang pansariling interes ito nakatulong.

Tuwing may SONA ang kahit na sinong pangulo asahan mong puro papogi points ang sasabihin nito. Maganda ang naging SONA ng pangulo sa puntong idinetalye nya ang mga hakbangin na tinatahak at tatahakin pa ng ating bansa tungo sa kaunlaran. Hind kagaya noong mga nakaraang SONA na masyadong general ang mga accomplishments at plans. Maganda ito dahil konkreto mong makikita na may nangyayari at mayroong mga plano na nakaset para sa hinaharap. Kung titignan mo parang ambitious masyado yung plan. Pero mabuti na yon ika nga e aim high.Sana nga lang ay totoo ang sinabi nya na ang lahat ng iyon ay may pagkukuhaan na ng pondo.
Hindi ko lang nagustuhan ay parang naging OA naman ata yung isa-isang binabanggit at pinpasalmatan ng pangulo ang pangalan ng kanyang mga allies. Lumalabas tuloy na parang pay back time ang speech na iyon ng pangulo na kung saan pinasasalamatan nya ang kanyang mga allies sa pamamagitan ng pagbanggit sa pangalan ng mga ito .In efffect parang nabahiran tuloy ng pulitika na naman.

Isang malinaw na punto ang pinagmamalaki ng pangulo sa kanyang SONA . May pera na raw ang Pilipinas. Ito ay dulot ng mga fiscal reforms na sinimulan dalawang taon na ang nakakalipas, kasama na rito ang pagpapatupad ng EVAT . Dahil rito ay maari na raw nating sustentuhan ang ibat ibang proyekto sa ating bansa. Sa kanyang inilahad na plano ay hinati nya ang bansa sa mga tinatawag na super regions. Sa ganitong paghahati ay matututukan ng maigi ang likas na potensyal ng naturang rehiyon. Kagaya na lamang ng North Luzon Quadrangle region na kung saan ang mga repormang gagawin ay nakatutok sa agrikultura na siyang natural strength ng naturang lugar. Mas palalakasin raw ang papel ng mga local government sa pagpapatupad ng mga programa. Dito ay makikita natin na unti unti na tayong inihahanda sa isang federal form na gobyerno na kung saan ang mga indibidwal na rehiyon ay may kanyakanyang gobyerno independente sa national government. Sa aking pananaw lamang ay mas mabuti ang ganitong approach dahil kung isasaalang alang ang geographical structure ng ating bansa, na kung saan maraming islang watakwatak at ang kultura ay diversified, magiging mabilis ang implementasyon ng mga programa kung ito ay manggagaling sa lokal na gobyerno.

Maganda ang plano. Sana ay hindi manatiling plano na lamang ito sa hinaharap. Naway ang pera na sinasabi ng pangulo na nalikom na natin ay magamit sa wastong paggagamitan nito at hindi sa pansariling kapakanan lamang .Mabawasan na rin sana ang pamumulitika ng mga pulitikong ambisyoso. Imbis na gugulin sa pagrereklamo ang kanilang mga oras ay isipin na lang nila kung ano ang kanilang maitutulong sa ating bansa. Ika nga ni Uncle JFK and I quote " think not what your country can do for you but what you can do for your country"

Kahit malayo ako sa Pilipinas ay nakakagaan ng loob kapag nakakarinig ng magandang bagay tungkol sa ating bansa. Syempre mahal ko pa rin ang Pinas.
Kaugnay sa SONA ng pangulo natatawa ako habang nanunuod ng balita kahapon. Kasi ay may nasirang megadike sa Central Luzon pagkatapos ng isang napakalakas ng bagyong dumaan sa atin. At habang iniiinterview ang isang lokal na opisyal sinabi nito na wag tayong magalala may pera na naman ang gobyerno mula sa pangungulekta ng EVAT ( ang tinutukoy ay ang binanggit ng pangulo sa SONA)maayos rin to.Hay talaga nga naman ang noypi
 Posted by Picasa

Friday, July 21, 2006

UTOPIA

I have these thoughts weeks ago while seriously pondering what to do with the impasse in front of me.

im lost
im wandering around.
is this utopia?
everything seems surreal.
how can this be real?
hand in hand with Destiny,
im walking with no direction
many times i doubted
is this right path for me?
many times i felt lost.
exuberance of youth
took hold of me.
now im racing with Time.
his ticking never cease
i'm here left behind
im running in circles
i thought i could go far
but still stuck in here
Love is pushing my back.
Patience telling me to chill
Hope convincing me to go on
I need to see the right path
no more crossroads
no more shortcuts.
all the roads
will lead me straight to you...
... utopia.
 Posted by Picasa

Thursday, July 20, 2006

PRISON BREAK


Habang off season ang Smallville at Lost nahohook-up ako ngayon sa panonood ng Prison Break, Isang kapanapanabik na series sa US. Kakaiba ang concept nya . Nasiyahan ako sa mga unang episodes na napanood ko so f ar. Tungkol ito sa isang engineer na sinadyang mangholdap ng bangko upang makulong kasama ng kanyang nakakatandang kapatid sa isang maximum security na kulungan. Ang kanyang nakatatandang kapatid ay hinatulan ng kamatayan sa kasong pagpatay sa kapatid ng vice president ng America. Pinaniniwalaan ni Michael na naframe-up lang ang kanyang kapatid ng isang maimpluwensiyang tao kung kayat nagpakulong sya upang itakas ang kanyang kapatid bago ito mabitay . Ang pagkakapasok nya sa kulungan ay planado lahat . Alam niya ang kasuluksulukan ng kulungan dahil ang kanyang pinagtratrabahuhang kumpanya ang siyang nagdesign at gumawa ng maximum security prison na iyon, kayat di kataktaka na tukoy nya kung asan ang weakest point ng security. Exciting ang bawat episode dahil aabangan mo ang kalalabasan ng kanyang mga hakbang. Para siyang MacGyver sa diskarte at pagkamaparaan.Nakakamangha na ipinatatoo nya sa kanyang buong katawan ang blueprint ng state penitentiary na iyon. Subalit itoy itinatoo sa kakaibang paraan na hindi mo mapapansin na mapa pala yung nakatatoo kung di mo pagmamasdan maigi. Para syang Yakuza pero astig ang dating ng tatoo nya. Nakakakaklahati pa lang ako sa mahigit dalawampung episode ng season 1 nito. Gusto ko na nga sana imarathon ng panood e, kaso ang daming ginagawa. Sana Sabado na para makapanuod ako ng derederecho.  Posted by Picasa

Saturday, July 15, 2006

TABING ILOG


Naging paboritong lugar ko na itong tambayan tuwing pagkatapos kumain ng tanghalian sa opisina. Paghudyat ng tanghalian, agad kung inuubos ang aking obento at dali-daling nababa at naglalakad papuntang tabing ilog.

Napapadalas na ang tambay ko rito tuwing tanghali. Kaka-bore kasi sa loob lang ng opisina buong maghapon e. Para akong nakakahinga ng maluwag kapag nandito ako sa dako na ito ng tabing ilog. Marami ang nagdadaan rito. Yung iba palakadlakad lang nagpapatunaw rin siguro ng kinain katulad ko . May iba rin na dito na mismo nagtatanghalian habang nagpapahangin sa tabi ng ilog . May natanaw pa nga ako sa di kalayuan na natutulog sa bandang damuhan. Kanya kanyang trip lang sa tanghalian. Pero ako ang trip ko umupo at sumandal sa bangkong ito...pikit ang mata...salpak ang i pod sa magkabilang tenga. Hay...ang sarap... Para na akong nalutang sa sarili kong mundo. Banayad ang agos ng ilog, mahinang naihip ang hangin,kasama nito ang aking isip iniihip papunta sa malayong lupain...

Tabing Ilog
by Barbie's Cradle

Sa ilog ang mundo'y tahimik
Akoy nakikinig sa awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Na sana'y dumating bago magdilim

Refrain:
Sa twina'y kandungan niyo ang duyan
Panaginip na walang katapusan
Ang ilog hantungan niya'y pangako
Ng inyong pagbabalik

Chorus:
Ngiting kasama ng hangin
Luhang daloy ng tubig sa ilog na di naglilihim

Sa ilog ang mundoy may himig
Di sana magpalit ang awit ng hangin
Habang kayo'y hinihintay
Mata'y may ngiti puso'y nananabik
(repeat refrain and chorus)

Sa ilog...



 Posted by Picasa

Tuesday, July 11, 2006

A PIECE OF CAKE


I've read this wonderful story in one of my mails yesterday. I felt relieved upon reading this one. Recently I've been asking Him in prayers what will I do? Why is this happening to me? I was amazed because, as if there was a voice commanding me " go ahead check your mail". I don't know, or I'm just too imaginative these past few days putting meaning to everything that is happening to me. Nevertheless, this mail answered my questions.

Sometimes we wonder, "What did I do to deserve this?" or "Why did God have to do this to me?" Here is a wonderful explanation! A daughter is telling her Mother how everything is going wrong, she's failing algebra, her boyfriend broke up with her and her best friend is moving away. Meanwhile, her Mother is baking a cake and asks her daughter if she would like a snack, and the daughter says, "Absolutely Mom, I love your cake." "Here, have some cooking oil," her Mother offers. "Yuck" says her daughter. "How about a couple raw eggs?" "Gross, Mom!" "Would you like some flour then? Or maybe baking soda?" "Mom, those are all yucky!" To which the mother replies: "Yes, all those things seem bad all by themselves. But when they are put together in the right way, they make a wonderfully delicious cake!
God works the same way. Many times we wonder why He would let us go through such bad and difficult times. But God knows that when He puts these things all in His order, they always work for good! We just have to trust Him and, eventually, they will all make something wonderful! Hence, after we made our way out of this difficult times we can proudly utter "it's just a piece of cake"
 Posted by Picasa

Monday, July 10, 2006

VACUUM

Pagkatapos ng ilang araw na pagiisip, pagninilaynilay sa mga bagay-bagay, bigla na lang ako ay na-blanko. Wari ko ako'y lumulutang sa isang vacuum. Ang paligid ay kadiliman. Malamig ang pakiramdam. Kakatiting ang liwanag. Walang nararamdaman, walang minamahal, walang pinahahalagahan. Importante lang ay ang sarili ko. Isa kaya itong defense mechanism ng isip ko upang makayanan ang masasakit sa damdaming nararanasan ko sa kasalukuyan. Sadya ba nyang pinamanhid ang puso ko upang di ko na maramdaman ang mga tinik na unti-unting itinatarak sa puso ko? Isa lang kaya itong normal na proseso sa isang taong pilit na nilalabanan ang mga mabibigat na pangyayari sa kanyang buhay? Sana nga ay ganun. Isa lamang itong proseso, panandalian, lilipas rin. Dahil ayoko mabuhay na laging may hinanakit sa puso, hindi nagtititwala, hindi nagmamahal. Gusto ko lang ay payak na buhay, may minamahal at may nagmamahal ng tunay. Kung ito'y isa ngang proseso sana ay matapos na buo pa rin ang pagkatao ko.  Posted by Picasa

Tuesday, July 04, 2006

THIS ANGEL HAS FLOWN AWAY


Senti Mode...playing my guitar to the tune of...




Angel Has Flown Away
by Orange and Lemons

There are times when I'm lying in my bed
Hug my pillow and cry from this tip again
And my eyes are like windshields on a rainy day
Almost rubbed down, swelling, as I keep on
Dipping my face in these cold hands of mine
Heaven knows how bitter I am

Chorus
Cause this angel has flown away from me
Leaving me in drunken misery
I should have clipped her wings and made her mine
For all eternity
Now this angel has flown away from me
Thought I had the strength to set her free
Did what I did because I love her so
Will she ever find her way back home to me
Aah

I'm so tired, I feel like catching forty winks
Being up all night in this elbow room
That puts me in a trance
Where hopes and dreams come true
Now my lips are burning and my eyes are hurting
From this fuse I mixed till I light another
Cigarette just to pass my time, oh
Heaven knows how bitter I am

(Repeat chorus)

 Posted by Picasa

Thursday, June 29, 2006

CROSSROADS


Totoo pala yun na kapag ikaw ay nasa crossroad ng iyong buhay... di alam kung ano ang gagawin...ano ang pipiliin...ano ang susundin...walang mahingahan ng prublema...kausapin mo lang Siya at di maipaliwanag na lilinaw ang pagtingin mo sa mga bagay na kinakaharap mo. Parang ibinulong nya sa iyo na ganito ang dapat mong gawin. Of course not physically na makikita mong ibinubulong nya , subalit madarama mo na you're on the right track. Para bang yung conscience mo is God's way of talking to you. Naalala ko tuloy yung isang linya ng kanta sa simbahan " God will make a way for you" Truly He leads us to the right way. ang sarap ng feeling .Times like this, now I know whom to turn to

God will make a way
God will make a way
Where there seems to be no way
He works in ways we cannot see
He will make a way for me
He will be my guide
Hold me closely to His side
With love and strength for each new day
He will make a way He will make a way

By a roadway in the wilderness
He'll lead me
And rivers in the desert will I see
Heaven and earth will fade
But His word will still remain
He will do something new today
 Posted by Picasa

Wednesday, June 28, 2006

COLD SUMMER NIGHTS


It's already end of June. The peak of summer is at the corner. Everyday , it's getting hotter and hotter. The last time I looked, one sunny morning, at the gigantic temp gauge across the streets of Kawasaki, it read 32 deg C. Not so high compared to the summer in Manila, but, I've been used to chilling temperatures the past few years. That's why it's getting into my nerves when I have to walk 5 to 10 mins under the scorching summer sky on my way to the office everyday. Every morning is reminiscent of Jesus's walk to Calvary. Of course an exaggeration, but truly that is how I feel about it lately. Every step I make, tons of my baby fats melting. Upon reaching the train station, I have to literally throw myself in just to get a tiny spot inside the jumpacked train. Although there is an airconditioning system inside, I feel like the temperature doubles every kilometer we travel. To add insult to the injury, I have to sniff for the next 15 minutes the sweaty stinky smell of people around me. Just like me, they all have to endure this agony. By the time I reached the office, I feel like I haven't taken a shower for the longest time.

And that's how my summer morning feels like...

When it's time for Mr. Sunny to slumber...when I'm alone in bed contemplating... everything else changes. Outside, air is still dry and temperature subsides a little. But deep inside...things start to get colder...and colder...and colder...to the point that I feel numb... numb for pain...numb for worries...numb for anger...The only fire that warms my heart is love. So strong that it cannot be extinguished even by the coldest temperature there is . I'm asking myself...Until when I have to stay cold? I'm chilling ...

Cold Summer Nights
by Francis M

I keep on blaming my self
I should have eaten my pride
how can i convince you
its just a matter of time

many times i've hurt you
with my foolish ways oh girl
now i know i have to pay the price

is there a way for u to turn around,
turn around and come back baby
ohh baby cant u see

[Chorus:]
its been cold summer nights since we drifted apart
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz i miss you baby, i need you here

[RAP]
cold summer nights girl, i really miss you
you rocked my world
i wanna touch you and kiss you
its my fault
i never called you at home
i'm on the phone, wishing you could call
i'm all alone
is there a way for you to turn around and
come back to me
i hope you understand
that i'm your man and together we can
kiss and make up
'coz you know i cant stand

[Chorus:]
its been cold summer nights since we drifted apart
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz i miss you baby, i need you here



 Posted by Picasa

Saturday, June 24, 2006

PAGLALAKBAY


ako'y naglalakbay...
nagtungo sa ibang bayan
hangad ang masaganang buhay,
mapagbuti ang kalagayan

batid kong sa simula pa lang
na lahat ay panandalian
'pagkat akoy may iniwanang
isang pusong pinangakuan,

aming mga landas
muling pagtatagpuin
sa tamang oras,
sa tamang pagkakataon

ako'y naglalakbay...
at sa aking paglalayag
nalihis sa aking malay
nawala sa pagmamatyag

ibang direksyon na pala
ang aking tinatahak
lubhang naging abala
naisantabi ang dating balak

paikot-ikot lang naman
walang pinatutunguhan
usad ay dahandahan
lalong natagalan

ako'y naglalakbay...
nawaglit sa aking isipan
na may pusong nagaantay
sa pagkakalayo'y nahihirapan

ako'y natauhan
ngayon na ang panahon
upang ipihit ang timon
pabalik sa iyong direksyon

mapanganib na karagatan
ang akin pang lalakbayin
sana ay antayin
sa aking pagdating...
 Posted by Picasa

Friday, June 23, 2006

ESEP ESEP!!!


ang hirap talaga magisip ng para sa sarili . pero pag ibang tao ang may prublema ang dali magpayo ng kung anuanong bagay. dahil ba sa walang personal attachment ang mga desisyong binibitawan mo kapag nagpapayo ka lamang ? kaya hindi sumasagabal yung mga personal na isinasaalang alang mo .walang mga inhibitions ang nanaig sa pag iisip
ng mga solusyon sa prublema . kaya masarap talaga ang pakiramdam ng may bestfriend na syang sinasabihan ng mga prublema at matiyagang nagpapayo sa yo . dahil sila nakikita nila yung mga bagay na di mo nakikita sa sarili. nasa kanila yung tinatawag na "looking from the outside" advantage. pero paanong gagawin ko kung ngayong may prublema ako sa pagibig at ang tinuturing kong bestfriend ko ay siya ring girlfriend ko. kanino pa ko magsasabi ng prublema ko ? sino pa ang magpapayo sa kin ? ang hirap palang binubuhos ng sobra ang lahat sa pagibig. parang nawawala na ang pagkatao mo kapag nawala na rin ang iniibig mo. tama pala yung narinig ko sa kaibigan ko noon dapat ay nagtitira pa ng para sa sarili. pero ganoon talaga ayoko namang sisihin ang sarili ko. mabuti na siguro yung ibuhos ang lahat , tutal kung masasaktan naman sa huli natural lang naman yun e. bahagi ito ng umibig ang masaktan. para bang nagaaral magbisikleta o mangabayo, bahagi nito ang bumagsak sa simula . kaya bakit ba ko matatakot na masaktan? ang mahalaga ay naging tapat ako sa sarili ko .marami pang mga bagay bagay ang nasagi sa isip ko at dapat kong bigyan ng panahon para mapagisipan ng mabuti.

tumatakbo ang oras lumalakad ang panahon. hawak ko ang oras ko ngunit di ang panahon, ayokong dumating ang panahon na pati ang puso mo ay di ko na rin hawak. kailangang mag-esepesep!!! Posted by Picasa

Wednesday, June 14, 2006

BURNOUT


Burnout
" a psychological term for the experience of long-term exhaustion and diminished interest "

Unang napasok sa isip ko pag naririnig ang salitang ito ay ang kandilang may sindi. Unti-unti ay natutunaw ang kandila, umiiksi ang mitsa. Hanggang sa ang apoy sa mitsa ay tuluyan ng kainin ng natunaw na kandila.Wala ng init, wala ng liwanag.

Nararanasan ko ito sa trabaho ngayon. Magtatatlong taon na ko na nagtratrabaho rito sa Japan. Pagod na ko...hindi pisikal kundi emosyonal na pagkapagod. Sawa na ako sa ginagawa ko. Bawat kilos ay mekanikal. Para na akong robot nito na nakaprogram na ang gagawin sa arawaraw. Wala na ang puso sa trabaho. Minsan ay para rin akong multo, palutang lutang lang sa paligid. Pakiramdam ko ay wala akong na-aaccomplish na kahit ano. Pero minsan naiisip ko, natural lang naman siguro ang ganito sa mga nagtratrabaho. Kailangan lang siguro ay makahanap ako ng paraan para madagdagan ang motibasyon ko na magtrabaho. Kailangan lang rin siguro na ipaalala ko ang sense of purpose ko sa pagtratrabaho ko rito.

Kamakailan ay narealize ko na hindi lang pala sa trabaho nararanasan ang burnout. Maging sa larangan ng pag-ibig ay nadaan rin sa ganitong yugto. Ramdam ko na nararamdaman rin nya ito. Nababawasan ang apoy sa kandila. Marami ng mga bagay ang nabago. Ayokong dumating sa punto na lunurin na lang ang apoy at di na kailan pa masindahan pa. Napaisip ako... Akala ko kasi ay di nauubos ang kandila. Akala ko ay habang buhay akin na ang kandila. Isa akong hangal!!! May kandila ba namang hindi nauubos? Pero hindi pa naman siguro huli ang lahat...sana.



Burnout
by Sugarfree

O wag kang tumingin
ng ganyan sa �kin
wag mo akong kulitin
wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo
ako rin ay nagbago
di na tayo katulad ng dati
kay bilis ng sandali

O kay tagal kitang minahal

Kung iisipin mo
di naman dati ganito
teka muna teka lang
kailan tayo nailang

Kung iisipin mo
di naman dati ganito
kay bilis kasi ng buhay
pati tayo natangay

O kay tagal kitang minahal

Tinatawag kita
sinusuyo kita
di mo man marinig
di mo man madama

O kay tagal kitang mamahalin
 Posted by Picasa

Tuesday, June 06, 2006

BBFILIPINO


Nitong nakalipas na mga buwan isa sa mga kumain ng oras ko ay ang paga-arubaito(extra job) ko sa BBFILIPINO.

Ang BBFILIPINO (BroadBand Filipino) ay isang web service (http://www.bbfilipino.com) na kung saan maaring mapanood ang mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas. Actually isa itong video streaming website kagaya ng mga napapanood natin sa YOUTUBE,YAHOO MOVIES o sa MSN VIDEOS. Lumalabas na para itong isang cable service na ang ipinagkaiba nga lamang ay internet based lang ang BB at limitado lamang sa mga palabas sa local tv sa Pinas ang mapapanood rito.Ito ay nasa trial phase pa lang kung kayat pawang mga Pinoy rito sa Japan pa lang ang target na market nito.

Nagkataong naging kadikit ko ang may ari nito kung kayat maswerteng nahila ko para magtrabaho. Customer assistance ang trabaho ko rito. Ako ang nag aassist thru phone sa mga customers kapag may katanungan sila sa pagpapasubscribe, paraan ng pagbabayad, subsciption status, pag connect for the first time, at kung anu-ano pa . Pero nung kalaunan ay pati mga technical aspect ay sakop ko na rin like pagsetup or pagtroubleshoot ng pc ng customer na kung minsan ay sinasadya ko pa sa kanilang bahay. Generally basta lahat ng mai-encounter ng customer na prublema sa pag connect sa BB, lahat yun parte ng trabaho ko.

Hindi gaanong mabigat ang trabaho kung tutuusin. Dahil all the time naman e nakaupo lang ako para sumagot sa tawag ng mga customer.Yun nga lang paminsan-minsan ay makakatagpo ka ng mga masusungit na customer lalo na pag nasisira ang server ng BB, katakut-takot na paliwanagan. Enjoy rin naman dahil karamihan ng mga subscribers ay naging kaibigan ko na rin. Lalo tuloy nadagdagan ang circle of friends ko rito sa Japan. Broadband na rin pati mga kaibigan ko. Nung una ay nahirapan ako dahil yung oras na dapat ay pahinga na ko pagkagaling sa una kong trabaho, ay siyang nagiging simula pa lamang ng pangalawa kong trabaho. Subalit ng lumaon ay naka-adjust na rin ang katawan ko dagdag pa rito ang kasiyahang dulot sa kin dahil nag-eenjoy na rin ako sa aking ginagawa. Isipin mo nga naman dumadami na kaibigan ko nadadagdagan pa budget ko, hehehe.
Nakakatawa ngang isipin na kung minsan ay mas nageenjoy na ko sa ginagawa ko sa BB kesa sa totoong trabaho ko sa opisina. Bakit kaya? Nabobore lang ba ko sa opisina? O dahil ba mas malaki ang bayad sa kin per hour rito sa BB kesa sa opisina. Ang totoo ay di ko sigurado kung bakit, pero sa tingin ko ay dahil na rin patuloy na dumarami ang kaibigan ko sa BB. At siguro, ayun ang mas mahalaga para sa akin, ang mapalibutan ng maraming kaibigan.
Posted by Picasa

Friday, June 02, 2006

RETURN OF THE COMEBACK


Pagkatapos ng isang mahabang hiatus sa paglalagay ng entry dito sa blog ko ay bigla na lang akong umusbong na parang kabute... ano nga ba talaga ang nangyari? Ang totoo nyan e napakaraming mahahalagang bagay ang nangyari sa aking buhay subalit nakaligtaan kung isilid rito sa aking garapon. Tulad ng title ng entry na ito, "return of the comeback", naging isang redundancy ang buhay ko. Paulit-ulit sa paggawa ng pareparehong bagay araw-araw. Same old shit different day.
Pinilit kong isilid sa garapong ito ang mga nangyari sa kin, subalit
lubha akong abala, masyadong mabilis ang takbo ng buhay rito sa Japan,
masyado ring mabilis akong natangay sa agos nito. Kaya ngayon ay heto
pinipilit i-composed ang mga bagay bagay, hinay-hinay konti, kapit muna
sa king garapon. Iba pa rin talaga ang pakiramdam ng nailalabas ang mga
pansarili kong sentimento. Para akong may matalik na kaibigan, yun nga
lang isang garapon, hehehe.
Sana ay magtuloy-tuloy ng magkaroon ako ng dedicated time sa pagsulat
ng mga entry sa blog na ito. Naway ang mga kwento, aral, puna at kung
anu-ano pang mahahalagang bagay na mailalagay ko rito ay makatulong sa
aking sarili upang himayin ang mga nangyari na, namnamin ang kasiyahang
dulot ng mga nangyayari sa aking buhay, at lagyan ng direksyon ang mga
bagay bagay na tatahakin ko pa.
Posted by Picasa