Friday, December 12, 2008

RECESSION NA RIN SA JAPAN


Technically tinatawag na recession ang isang ekonomiya kapag dalawang magkasunod na buwan na di umusad ito batay sa panukat ng GDP o Gross Domestic Product. Ayon sa balita nag negative growth na nga raw etong taong 2008 at ang forecast pa nila ay zero growth sa taong 2009.

Para sa katulad kong isang foreign worker nakakatakot ang ganitong mga balita. Lalo na pag naririnig mo pa na kabi-kabilang kumpanya na rin dito sa Japan ang nagaapply ng loan sa gubyerno para maisalba ang napipintong pagbagsak. Anjan pa ang mga balitang lay-off ng mga trabahador sa malalaking kumpanya lalong lalo na sa larangan ng manufacturing. Sabihin ko nang hindi pa naman ganoong kaapektado ang kumpanya namin na ang linya ay nasa larangan ng plant engineering and construction, pero worst case scenario magiging priority pa rin ang mga lokal na manggagawa kesa sa katulad kong isang dayuhan. Kaya nga nakakatakot maging waldas sa pera ngayong mga panahong ito.

Parang nagkatotoo yata ang panalangin ng maraming mga kababayan natin rito na tumaas ang value ng yen. Dahil sa kasalukuyan ay nasa ¥92 lang ang $1 at ¥0.51 ang ₱1 . Pabor para sa mga remittance natin buwan buwan sa Pinas, dahil ang isang lapad natin ay katumbas na agad ng 5100 pesos. Pero in the long run ay di raw ito maganda sa ekonomiya ng Japan. Dahil kapag lumalakas ang yen laban sa halaga ng dollar nangangahulugan daw itong mas mahinang kita para sa isang exporting country na kagaya ng Japan.

Kitang kita ang interdependency ng mga ekonomiya sa buong mundo. Nagsimula lang naman ang prublema ng humina at nagrecession ang US. Pagkatapos nito ay nagsunuran na ang pagbagsak ng stocks sa ibat ibang bansa kaalinsabay ng pagkalugi na ng maraming mga malalaking kumpanya.

Ayon sa mga experto, ang kasalukuyang pandaigdigang prublemang ito ay higit na magiging malubha kumpara sa naging economic slump noong simula ng milenyo. Sana naman ay di maging malalim ang patutunguhan ng pandaigdigan recession na ito.

Sa ganitong mga pagkakataon ay kinakailangan talaga ang ibayong pagtitipid at matalinong paggamit ng pera.

Thursday, December 11, 2008

INIT SA TAGLAMIG


O init, ngayong taglamig akoy kandiliin.
sa ginaw ng Pasko akoy iyong painitin
Lamig ng gabi ay iyong talunin.
at buong magdamag akoy kupkupin.

Yakapin mo ang aking kabuuan,
hagkan ang aking katawan.
Damhin mo ang aking kapusukan.
init sa magdamag ating pagsaluhan

Ilabas mo ang aking pananabik
tugunan ang aking mga halik
Sa aking paningin ay wag kang lilihis
pintig ng puso patuloy na bumibilis

Gusto ko pang patagalin gusto ko pang pigilin
ganitong pagkakataon, ayoko ng lisanin
Oras ay patitigilin ,sarap ay pahahabain
hanggang marating ang rurok ng damdamin

Asan ka init...
init ng katawan...
init ng damdamin..
init ng pagmamahal.

Tuesday, December 09, 2008

JLPT



JLPT(Japanese Language Proficiency Test)
Ano nga ba talaga ang kahulugan ng pagsusulit na ito para sa akin? Ang hindi na pagpasok sa aming Nihongo class tuwing Biyernes at magkakaroon ka pa ng isang lapad(¥10,000). Eto ang pinakamotivation na nakaset sa aming utak bago magexam. Hihiramin ko ang linya ni Paolo Bediones sa Survivor Phils tuwing bago magsimula ang mga challenges, " Karapat-dapat bang ipaglaban?".

Karapat dapat nga ba? Sino ba ang ayaw ng instant isang lapad . Kaya lang parang kulang pa rin na motivation para sa kin yung isang lapad. Kaya kong kitain yun ng mabilis sa ibang paraan maliban sa aming regular na pagtatrabaho.E yung exemption na sa weekly classes. Eto pwede pa dahil sayang din yung linggo-linggo na pagpapanggap na nakikinig at naiintindihan namin yung lesson na itinuturo. Yung isang oras at kalahati na iyon ay nakakabawas pa sa aming internet time at lakwatsa time. Subalit kung sa ganitong punto ko naman titignan parang may mali pa rin dahil lumalabas na magaaral ako maigi para matigil na ako magaral. If you put it in English mas katuwatuwa pakinggan, Study hard in order to stop studying. What an oxymoron di ba! Parang mali yata kung ganito lang ang gagamitin kong konsepto upang makita ang kahalagahan ng pagsusulit na ito.Kung sinabi pa sanang ang pagpasa dito ay may kinalaman sa aming pangaraw araw na trabaho mas madali pa sana iabsorb ang importansya nito. Meron nga bang kinalaman sa pangarawaraw naming trabaho ito? Sa tingin ko, kung meron man ay maliit lang . Magkakaintindihan pa rin kami sa trabaho kahit di namin maipasa ang pagsusulit na ito. Marahil kung lilipat kami ng trabaho dito sa Japan na talagang nangagailangan ng Language Proficiency Passer, dun pa lang magkakaroon ng saysay ang exam na ito.

Sinubukan ko tanungin ang ilang kakilala ko tungkol dito. Karamihan na nagsabing importante ito ay yung mga kagaya namin na nagtatrabaho sa kaisha. Di ko nga alam kung para sa work talaga nila or napipilitan din sila kagaya namin.

Noong Linggo ay kumuha ako ng Level 3 exam ng JLPT. Di ko pa rin alam kung ano ang motibasyon ko. Para lang akong robot na tinandaan ang mga dapat tandaan at inaral ang mga sinabing dapat pagaralan. May mga parte na nahirapan ako, pagpapatunay lamang na hilaw ang ginawa kung pagrereview.

Ilang araw matapos ang pagsusulit saka palang pumapasok sa isip ko ang kahalagahan ng exam na iyon. Ano mang motibasyon ang paniwalaan ko, pumasa man ako o hindi, sa bandang huli ay advantage pa rin sa akin kung nagaral ako ng maigi. Iniisip ko na isang personal na improvement sa sarili ko ang pagkatuto ng Nihongo, kahit pa sabihin nating hindi ganung kakailangan sa aking trabaho sa kasalukuyan. Para bang nung nagaaral pa lang sa elementary or sa high school. May mga bagay na inaral tayo na di naman natin ginagamit sa buhay natin ngayon. Pero di naman nangangahuluhan iyon na nasayang lang yung oras natin sa pagaaral ng mga iyon. Bagkus ito ay proseso na dapat daanan, kaalamang dapat matutunan para hubugin ang ating pagkatao ngayon. Hindi man natin pansin ay pinayayaman ng mga maliliit na bagay na ito yung ating pagkatao.

Kaya paglabas ng exam results, pumasa man o hindi ay alam ko sa sarili I've learned my lesson, patuloy ang aral.

Friday, December 05, 2008

DUAL BOOT VISTA AND XP


Recently, I bought a new laptop to replace my old SONY VAIO B Series,a special edition model of HP DV6500. My plan was to dual boot Vista and XP in a single machine. The hard disk is a whopping 200GB storage so I have the luxury to play around with its partition. This is how I subdivided it: 50 for Vista, 50 for XP and the remaining for data storage. My main goal is to be familiar with Vista without removing XP as an option in case some of my programs wont work in Vista. And so everything went as planned. The DV6500 is originally designed for Vista. That is why there was no problem installing drivers for Vista. After the Vista installation, I proceeded immediately with the XP installation. Upon installation it automatically reconfigured the bootloader of Vista. Meaning to say Vista was nowhere to be found during boot up. Thanks to some helpful computer geeks in the internet,I managed to obtain a software to fix this problem. Actually this was just the lesser problem. The real headache was in the loading of drivers that will work for XP. Although most drivers are downloadable in the HP website itself, some were not available. So I have to search for other resources. It took me almost a week to remedy this problem. But for sure it was worth the effort.

My machine is now up and running. Surprisingly I started to like Vista. At first it was XP that I oftenly used, but eventually as I learned new tricks and new features in Vista, I appreciated it more and more. Performance-wise I prefer Vista more than my already tweaked XP. In terms of program conflicts there is none at the moment. All my programs in XP went pretty well in Vista.

I would like to try installing Vista in MAC some other time. That would be cool I suppose.

Thursday, July 31, 2008

OPERATION DAGDAG BAWAS UPDATE

Mahigit dalawang buwan mula ng simulan ko ang operation dagdag disiplina bawas timbang ay may mga kapansin-pansin ng pagbabago sa aking katawan. Karamihan rin ng mga nakakakita sa akin na kakilala ay nagsasabing namayat raw ako. Pansin ko rin sa aking sarili na gumaan ang pakiramdam ko. Di na ako hingal sa mga konting lakaran lang. Kapansinpansin rin na nabawasan ang taba ng aking mukha. Hindi ko na nagagamit yung extra hole na nilagay ko sa sinturon ko noon para lang maisara ang aking pantalon. Noong bago ako magsimula ay nasa 81 kilos ang timbang ko. Ngayon ay nasa 77
kilos na lang. Di gaano kalaki ang binawas pero natutuwa ako sapagkat nakikita ko na may resulta.

Ang balak ko ay sabayan na ng pag gi-gym kapag bumaba na ko ng 75 kilos para matanggal rin yung mga unwanted fats sa ibang parte ng aking katawan. Isang pinuproblema ko ay yung sa tiyan dahil parang ang hirap tanggalin. Although nabawasan konti ay malaki pa rin.

Kailangan pa sigurong dagdagan ang disiplina at tiyagang magexercise. Paminsan minsan kasi ay umiiral pa rin sa aking ang katamaran na maglakad pauwi. Sa pagkain naman ay nagulat ako sa aking sarili sapagkat kontrolado ko na yung aking appetite. Hindi na ako kagaya dati na sa tuwing nakakramdam ng gutom ay kain agad. Parang natuto na yung tyan ko na makontento sa kung ano lang ang ipinapasok ko sa kanya.

Andito na yung momentum sana maituloy tuloy ko na to. Gambaremasu!!!

Wednesday, July 02, 2008

MY NEW TOY



Two weeks ago I was convinced to buy a slim type PSP2000. Before this acquisition, I was already pondering if I will upgrade or not, my current slim PS2 game console to the newly released PS3 game console. Most of the games I am playing, like the NBA Live, will have its next release version already under the PS3 format. But seeing the price of PS3 at around 45000 yen bothered me a lot. I am not convinced that I have to pay this much just to play my favorite Playstation Titles and enjoy some of the new features of PS3 such as the Blue Ray Disc,wireless online games and big hard disk. I do like those new stuff for a game console, but I am not a hardcore gamer and those are not my primary concern. All I want is a console where I can play my favorite games without paying that much. Here is where the PSP comes in. I learned that I just need a pretty big SD card (probably about 4 or 8 gig), and I am ready to play a variety of games. No need to buy an individual disc for every game because there are a lot of games that can be downloaded for free in the internet. Aside from the portability of this game console, I can also enjoy other features such as listening to mp3's, watching saved videos, browsing the internet and playing multiplayer games wirelessly thru adhoc network. All these for just 20000 yen, fair enough I would say. One thing though I was disappointed about is that I cannot output the display of my PSP to a regular TV set. Initially I thougt it was possible because it was shown in the TV commercials. But eventually I learned that unless my TV is capable of progressive scanning, like most of the HDTV nowadays, I cannot output the game on TV. Only saved videos can be watched on TV with some alterations in its quality depending on the compression of the video. Nevertheless, I still feel that my 20000 yen is worth it.

Sunday, June 15, 2008

A DAY OF MOURNING



Today is a day of mourning for me and my family. We lost one of our dearest grandfathers, Lolo Inong as we used to call him. He is the younger brother of my late grandmother with whom I grew up with. He has been battling for couple of years now with his prostate cancer. An hour ago I received a mail from one of his daughters that he already succumbed to death yesterday afternoon.

When I was growing up, I remember him as this stout lolo of us that would always bring us a lot of pasalubong everytime he visits our house as balikbayan from Guam. He never failed to visit us everytime he is in the Philippines. At that age , my sister and I were always excited whenever we hear that he is to visit our house; because that would mean, we will have new clothings, toys and chocolates. When my grandmother died, we seldom see him no more. More than a year ago, I got the chance to see him in the Philippines when I went back for Christmas vacation. At that time he was already undergoing treatment for his illness. Physically he emaciated a lot but his jovial character remained. He always has that one-liner that can make everyone smile and be entertained. It is very touching to see that despite some of his shortcomings in the past, his family had been there for him all the time throughout his battle with the Big C. I am sure wherevere he may be now, he is very happy to know that his loved ones had been there to support and love him up to the last minute of his life.

I will always remember you together with the memories of my childhood. May you rest in peace as you meet with your Creator. I pray for your soul and for your family left behind.

Wednesday, June 11, 2008

COPYCAT CRIME?



AKIHABARA RAMPAGE

Lunes na ng umaga ko nalaman sa balita ang pangyayaring ito. Nakakagulat sapagkat paminsanminsan ay nagagawi rin ako sa lugar na iyon upang magcanvass o kaya'y mamili ng mga piyesa ng computer. Sadyang napakaraming tao ang naglalakad sa lugar na iyon kung kayat di katakataka na nakapatay agad ng 7 at nakasugat ng 10 tao ang suspek sa isang iglap lamang. Medyo nakakapagtaka lang na nagawa pa nga nyang makapanaksak ng ganoong karaming tao na di agad namalayan ng iba pang nakapaligid doon. Dahil kung sa Pilipinas nangyari ito ay ewan ko kung maka 2 pa sya ng saksak dahil siguradong dudumugin na agad sya ng mga taumbayan. Kung di pa tinutukan ng baril ng pulis ay di pa titigil sa pananaksak ang suspek.

Ayon sa pulisya ay planado daw ang naging hakbang ng suspek mula sa pagkakarenta ng trak galing Shizuoka hanggang pagbyahe nito ng Akihabara. Ipinost pa nga raw ng suspek ang kanyang gagawin sa isang mobile blogging website sa internet.

Sa pangyayaring ito ay parang nabahiran na rin ang imahe ng Akihabara na mas kilala sa pagiging Electronics District sa Tokyo. Kahit papaano ay may maiiwang takot na rin sa mga tao na magpagalagala doon dahil baka maulit na naman ang walang saysay na pagpatay na ito.

Kung titignan natin ay parang kinokopya ang mga krimen na sunod-sunod na napapabalita. Nitong taon lang na ito kung ating matatandaan ay may nabalita na ring maramihang panananaksak sa isang shopping center sa Shinagawa at sa train station sa Iberaki. Kung nagiging uso kamakailan ang pagpapakamatay na gamit ang hydrogen sulfide, ito ba ang bagong trend naman na tinatahak ng mga Hapong galit sa mundo at sa sosyedad?

Friday, May 30, 2008

HONORIFIC DEATH???


Hindi pa rin nababa sa 30,000 insidente bawat taon ang rate ng suicide dito sa Japan base sa nga datos na nakalap noong taong 2007. Sampung taon na magkakasunod na ganito karami ang nagpapakamatay.

The number of suicides passed the 30,000 threshold for the first time in 1998, when the total was 32,863, an increase of 8,472, or 34.7 percent, from the 1997 total of 24,391, according to annual police data.The figure swelled in 1998 amid an economic slump marked by a large number of businesses that went under.The annual total has remained above the 30,000 mark each year since. In 2003, the figure reached a high of 34,427. In 2006, the figure stood at 32,155, down 1.2 percent from a year earlier, according to annual police reports. Japan's suicide rate, or the number of suicides per population of 100,000, stood at 24.0 in 2004 , the ninth worst in the world and second worst among the Group of Eight nations, behind only Russia, whose rate stood at 34.3, according to data compiled by the World Health Organization. For other major countries, the suicide rate was 18.0 in France, 13.0 in Germany, 11.6 in Canada and 11.0 in the United States.
-Kyodo News-


Sabi nila na maisisisi raw sa kondisyong pang-ekonomiya ang pagtaas ng insidente ng suicide. Kung titignan ang statistics ay nagsimula ang mabilis na pagtaas ng rate ng suicide nung huling bahagi ng dekada 90 kung saan nagkaroon ng economic slump ang Japan. Pero napaka-ironic naman na kung sino pa yung mga bansang mayayaman ay siya pa ang mataas ang mga insidente ng suicide. Kung ihahambing natin halimbawa ang Pilipinas na mas mahirap keysa Japan, ay mas marami pa ang namamatay sa aksidente o sa krimen kaysa suicide. Marahil ay ang mga tao sa mayayamang bansang ito ay di sanay sa hirap ng buhay kung kaya sa kaunting pagbabago lang sa kalagayan ng buhay ay di na nila nakakayanan. Plus idagdag pa natin na karamihan sa mga Hapon ay walang relihiyon kung kaya ay wala silang konsepto ng takot sa Diyos. Bagkus isa pa itong magandang exit upang iligtas ang sarili at ang mahal sa buhay sa kahihiyan.

Parang nasa kultura na rin yata ng mga Hapon ang pagsusuicide e. Hindi bat kahit noong panahon ng digmaan ay nauso yung kamikaze at harakiri. Ito ang parang konsepto na nila ng marangal na pagtatapos sa sarili. Isang "honorific death" daw. Kung sa panahon ng digmaan ay maiintindihan ko pa. Pero kung dahil di lang makayanan ang mga prublema ay para yatang mali na tawaging honorific death ang pagsusuicide.

Isang seryosong prublema ang sucide na kinakaharap ng maraming bansa hindi lang ang Japan. Kalimitan ay nasa age bracket ng matatanda ang mga nagsusuicide. Halos 20 porsyento ng popoulasyon ng Japan ay nasa edad 50 anyos pataas kung kayat hindi na rin katakataka na mataas rin ang insidente ng suicide rito.

Thursday, May 29, 2008

FOODS CAN CURE


I came across this article while reading one of the health threads in Timog Forum. After reading, I realized that I have never been that conscious in the nutritional and medicinal value of foods. For me, I eat to satisfy hunger which I think is very superficial. I have to look at it in another perspective. I have to eat to obtain the nutrients I need to maintain my body healthy. Sufficient amount of these foods will not just avoid but also cure ailments:

GINGER
Prevents headache and reduces inflammation and pain. It will also cure morning sickness and nausea.
YOGURT
Eat lots of yogurt before pollen season prevents hay fever.
Also-eat honey from your area (local region) daily!
TEA
Prevents buildup of fatty deposits on artery walls so as to avoid stroke with
HONEY
Use honey as a tranquilizer and sedative if you have problem with insomnia.
ONIONS
Eating onions helps ease constriction of bronchial tubes when you have asthma.
FISH
Salmon, tuna, mackerel and sardines actually prevent headache and arthritis
BANANAS
Bananas will settle an upset stomach.
CRANBERRY JUICE
High-acid cranberry juice controls harmful bacteria.
EAT PINEAPPLE
Bone fractures and osteoporosis can be prevented by the manganese in pineapple.
CORNFLAKES
Women can ward off the effects of Pre Menstrual Syndorme with cornflakes, which help reduce depression, anxiety and fatigue.
OYSTERS
Oysters help improve your mental functioning by supplying much-needed zinc.
GARLIC
Clear up that stuffy head when you have colds with garlic.
RED PEPPERS
A substance similar to that found in the cough syrups is found in hot red pepper. Use red (cayenne) pepper with caution-it can irritate your tummy.
WHEAT,BRAN & CABBAGE
Helps to maintain estrogen at healthy levels and avoid breast cancer.
GREEN AND ORANGE VEGGIES
A good antidote for cancer is beta carotene, a form of Vitamin A found in dark green and orange vegetables.
CABBAGE
Cabbage contains chemicals that help heal both gastric and duodenal ulcers
APPLES
Grate an apple with its skin, let it turn brown and eat it to cure diarrhea.
AVOCADO
Mono unsaturated fat in avocados lowers cholesterol.
CELERY AND OLIVE OIL
Olive oil has been shown to lower blood pressure.
Celery contains a chemical that lowers pressure too.
BROCCOLI AND PEANUTS
The chromium in broccoli and peanuts helps regulate insulin and blood sugar.
KIWI
Tiny but mighty. This is a good source of potassium, magnesium,
Vitamin E & fiber. It's Vitamin C content is twice that of an orange.
APPLE
An apple a day keeps the doctor away? Although an apple
has a low Vitamin C content, it has antioxidants & flavonoids which
enhances the activity of Vitamin C thereby helping to lower the
risks of colon cancer, heart attack & stroke.
STRAWBERRY
Protective fruit. Strawberries have the highest
total antioxidant power among major fruits & ptotects the body
from cancer causing, blood vessels clogging free radicals.
ORANGES
Sweetest medicine. Taking 2 - 4 oranges a day may
help keep colds away, lower cholesterol, prevent & dissolve
kidney stones as well as lessen the risk of colon cancer.
WATERMELON
Coolest Thirst Quencher. Composed of 92% water, it is
also packed with a giant dose of glutathione which helps boost our immune
system. They are also a key source of lycopene - the cancer fighting oxidant.
Other nutrients found in watermelon are Vitamin C & Potassium.
TOMATOES
are very good to prevent prostate problems among men

So the next time I eat, I will will keep in mind the real worth of foods, not just the ones that appeal to my senses.

Wednesday, May 28, 2008

BILOG PROFILE


Bilog #1 - Lalake. Mid-20s ang edad. Nakapunta sa Japan dahil sa imbitasyon ng kanyang ate. Subalit yun ay tatlong taon na ang nakakalipas. Ngayon ay isa na siyang certified bilog. Nagtatrabaho siya sa construction. Mabibigat na trabaho ang pinasukan niya. Dati ay kargador at tagatiktik ng kalawang sa pier. Ngayon ay taga-giba ng bahay ang trabaho niya . Maswerte sya at kakilala ng kapatid niya ang naging amo nya kaya natanggap pa rin kahit bawal na. May asawa at tatlong maliliit pang anak sa Pinas kung kayat ayaw pang umuwi.
Bilog #2 - Babae. Nasa 20's. Dating talento sa omise at ng nagexpire na ang bala nya ay tumakbo na sa ibang lugar para mag-bilog. Doon ay pareho pa rin ang trabaho niya subalit pili na lang ang mga omise na natanggap sa kanya dahil bawal na rin ang mga bilog sa omise. May pinagaaral na kolehiyo sa Pilipinas at mataas ang pangarap kung kayat kapit sa patalim na. Naghahanap ng customer na Hapon na gusto siyang pakasalan kahit imitatiton lang para magkaroon ng bala.
Bilog #3 - lalake. nasa mid-40's na. Kung anu-ano na rin ang naging trabaho pero ngayon sya ay isang pintor. May asawang Filipina rito at bilog rin. Nasa 8 gulang na ang kanilang anak at pinagaaral nila sa eskwelahan dito. Ayaw umuwi dahil sa hirap ng buhay pagdating sa Pilipinas. Nahihiya rin dahil sa tagal niyang nilagi rito sa Japan ay wala gaano naipundar.
Bilog #4 - Babae. Nasa mid 30's ang edad. Nagtatrabaho sa mall sa umaga, at sa gabi naman ay sa isang omise. Hindi siya bilog dahil may ipinapakita siyang bala. Yun nga lang ay iba ang pangalan. Nabili lang niya ito nung nagexpire na ang kanyang bala. Hindi siya makauwi dahil natatakot siya na baka ma-check ang visa niya kung sakaling nandito pa sa Japan ang ginagamit niyang pangalan. Dalawang anak ang pinagaaral niya sa Pilipinas.
Bilog#5 - Lalake. Nasa 20's ang edad. Dating crew sa barko, ngayon ay bilog na dahil nag jump-ship mahigit limang taon na ang nakakalipas. Ayaw pa umuwi dahil baon daw sa utang sa Pinas. Apat ang anak sa dalawang babae. Iba't-ibang trabaho na rin ang napasukan. kagaya ng paghohosto. Sa kasalukuyan siya ay nagtratrabaho sa construction.

Ang mga bilog na nabanggit ay di kathang isip lang. Bagkus ay mga tunay na tao na nakasalamuha ko sa apat na taon kong pananatili rito sa Japan. Iba't-iba ang kanilang kwento pero parepareho ang layunin na maiahon ang mga mahal sa buhay. Marami pa akong nakasalamuhang bilog pero halos kapareho na rin ng mga nabanggit ko ang kanilang kwento.

Sa ngayon ay parami na ng parami ang napapauwing mga kababayan natin na bilog. Ito ay dahil sa mas pinagibayong kampanya ng pamahalaang Hapon na linisin ang kanilang bansa ng mga ilegal na dayuhan.Sinimulan ito nung isang taon ng ipatupad ang mas mahigpit na regulasyon sa pagpasok at paglabas sa airport pa lamang. Dahil dito ay paliit na ng paliit ang mundong ginagalawan ng mga bilog. Ang mundo ay bilog. Pero para yatang ayaw na sa mga bilog ng mundong ginagalawan ko dito sa Japan.

Si Bilog#1 at 5 ay nahuli na yata ayon sa aking narinig. Naging mali ang kanilang pamamaraan subalit hinahangaan ko pa rin sila dahil sa kanilang pagmamahal sa kanilang pamilya.

Tuesday, May 27, 2008

JAPINOY LINGO

Lapad - wala sigurong nagtratrabahong Pinoy rito sa Japan na di alam ang salitang ito. Syempre basta tungkol sa pera ay alam ng Pinoy yan. Ang lapad ay ang tawag sa perang papel na nagkakahalaga ng sampung libong yen. Sa ating pera ay mga 4 na libong piso ngayon ang katumbas nito. Bakit lapad? Sa itsura pa lamang ay alam mo na ang sagot. Mas malapad ito di hamak kumpara sa perang papel na ginagamit natin sa Pinas. Kaya pag may mga kakilala kayong balikbayan na galing Japan hingian nyo agad ng lapad hehehe.

Bilog - pangkalahatang tawag sa mga dayuhan rito sa Japan na natapos na ang termino ng visa ngunit patuloy pa rin ang pananatili. Sa madaling sabi ay TNT o mga overstay. Natatanging dito sa Japan ay bilog ang tawag sa kanila. Bakit bilog? Eto rin ang tanong ko nung una kong marinig ang katagang ito. May nagsabi na dahil sa letrang O nagsisimula ang salitang overstay at ang O ay bilog. Para bang secret code na lang yun kapag naguusap yung mga bilog kaysa gamitin yung buong salitang overstay dahil delikado sa mga pulis. May nagsabi rin na dahil ang mga bilog ay ikot ng ikot ng lokasyon na parang bilog upang maiwasan ang maiinit na mata ng mga pulis at immigration.

Bala - ito ang isa pang salita sa visa. Ito ang ginagamit na salita ng mga bilog kapag pinaguusapan ang kanilang visa.

Migmig - eto ang kinakatakutan ng mga biog. Dahil bukod sa mga pulis ay mayroong mga tauhan ang Bureau of Immigration ng Japan na syang nanghuhuli sa lahat ng mga bilog. Migmig ang tawag sa mga tauhang ito. Pinaikli mula sa salitang Immigration. Mas nakakatakot sila para sa mga bilog sapagkat di sila nakasuot ng uniporme na kagaya ng mga pulis. Bagkus ay naka ordinaryong kasuotan lang sila kaya di mo makikilala. Kadalasan ang mga ito sa mga estasyon ng tren.

Omise - Ito ay lehitimong salitang Hapon na ang ibig sabihin ay tindahan. Pero sa mga Pinoy ay mas kalimitan itong ginagamit para tukuyin yung mga night club kung saan maari kayong maginuman, magkaraoke o magsayaw na may ka-table na mga babae.

Yakyak o Putol - Ito ang tawag sa mga Hapon na kasapi ng Yakuza. Para itong mga sindikato sa atin. Putol kalimitan ang tawag sa kanila ng mga Pinoy dahil may mga ilang miyembro sila na putol na ang ilang daliri. Ito raw ang kaparusahan sa mga kasapi nila kapag may paglabag na nagagawa. Isa pang mapagkakakilanlan sa kanila ay ang maraming tatoo sa katawan na akala mo ay galing city jail. Kalimitan hawak ng mga yakyak ang mga malaking pachinko, game center at omise.

Kung susuriin ang mga salitang ito mapapansin na mahilig ang mga Pinoy na magbago ng salita upang mailihis ang tunay na kahulugan nito. Marahil ay sa kadahilanang ayaw nilang maintindihan sila ng ibang tao. Kagaya ng migmig, kung ikaw ay isang bilog ay mas safe na ito ang bigkasin kapag naguusap sa maraming tao dahil baka marinig ka pa ng totoong taga-immigration at mapabilis pa ang uwi mo ng Pinas. Bukod sa paglikha ng sariling lingo ay napaghahalu-halo na rin ang Nihongo at Filipino kapag naguusap-usap ang mga Pinoy. Kung ang pinaghalong Tagalog at English ay tinatawag nating Taglish, ano naman kaya ang magandang itawag sa ganung lingo? Tagongo?Niholog?Japalog?Filongo? Parang ang sagwa yata pakinggan kapag nagtatapos sa log kagaya ng Japalog. Baka kasi mapagkamalan na kasama ng mga tapsilog at longsilog.

Monday, May 26, 2008

VISTA

I recently had a chance to install a Windows Vista Ultimate Editon to a computer I am working on. The software was just a copy of the original Vista purchased in the Philippines. Nevertheless, we manage somehow to obtain a crack that can register the copy to Microsoft. Luckily, installation turned out pretty well. I was able to get all the latest updates for that version of windows. Upon installation of the OS, I had a sneak peek of what Vista has to offer. One thing very noticeable is the awesome graphics quality. This could be attributed to the very high video memory requirement(1GB minimum requirement) for Vista Ultimate Edition. It has this one feature which utilizes such high memory, the Windows Aero with Windows Flip Navigation. It is similar to the way we switch from one window to another in MAC computers. Another feature which is kinda cool for me is the fact that

you can change the OS language easily without formatting. But first you have to install the language pack of your desired language. This is again another feature similar to MAC. It is also very obvious that they tighten up the security of Vista. But it is a little annoying sometimes when a lot of confirmation dialog boxes pop up in every action and task you execute. The Windows Defender, Windows Media Center and Internet Explorer 7 are already preinstalled. I haven't seen yet the other editions of vista. But I heard this one is the most complete of them all in terms of features.

I heard from the news that Microsoft will stop issuing updates for Windows XP this year. In fact they have already released the last Service Pack for XP. This , in effect will force a lot of Windows XP users to upgrade to Vista. For me I am still contented with XP functionality-wise.

At home and at work, I still use XP. There is no compelling reason yet for me to upgrade to Vista. But later on I am planning to jump into the MAC bandwagon. Perhaps I can just add Vista on one of my partitions just for the sake of studying the OS. Anyway it can be done neatly in MAC.

Thursday, May 22, 2008

SOBA NI IRU NE

I recently heard this song from a TV commercial, and then I have heard it sung many times in karaoke. A song by Aoyama Thelma and Soulja. Nice song.



Here's the lyrics of the song with english translation
(Thelma)
anata no koto
watashi wa ima demo omoi tsuzuketeiru yo
ikura toki nagarete yukou to
I'm by your side baby, itsu demo
About you

Even now, I still continue to remember
No matter how much time passes
I'm by your side baby, at any time

So. donna ni hanarete iyou to
kokoro no naka de wa itsu demo
issho ni iru kedo
sabishiin da yo
So baby please tada hurry back home

So, no matter how far away you may be
You're always in my heart
But even though we're together
It's lonely
So baby please just hurry back home

Baby boy atashi ha koko ni iru yo
doko mo ikazu ni matteru yo
You know dat I love you dakara koso
shinpai shinakute iin da yo

Baby boy, I'm here
I won't go anywhere, I'll wait for you
You know that I love you, that's why
It's okay if you don't worry

donna ni tooku ni itemo
kawaranai yo kono kokoro
iitai koto wakaru desho?
anata no koto matteru yo

No matter how far away you are
This heart won't change
Do you understand what I'm trying to say?
I'll be waiting for you

(SoulJa)
nna koto yori omae no hou ha genki ka?
chanto meshi kutteru ka?
chikushou, yappa ienee ya
mata kondo okuru yo
ore kara no Letter

More important than anything else, how are you doing?
Been eating properly?
Damn, looks like I can't say it
I'll give it to you next time
My letter to you

(Thelma)
sugi satta
toki ha modosenai keredo
chikaku ni ite kureta
kimi ga koishii no

Time that has gone too far
That time cannot return but
To stay near by for me
You are beloved

dakedo
anata to no kyori ga tooku naru hodo ni
isogashiku miseteita
atashi nigeteta no
dakedo
me wo tojiru toki
nemurou to suru toki
nige kirenai yo
anata no koto
omoi dashite wa
hitori naiteta no

But
As the distance between us lengthens
I make myself seem busy
Am I simply running away?
But
When I close my eyes
When I'm trying to sleep
I can't run
About you
I remember
And I cry alone

(SoulJa)
bukiyou na ore
tooku ni iru kimi
tsutaetai kimochi sono mama iezu ni
kimi wa ichimatta
ima ja nokosareta kimi wa ARUBAMU no naka

The awkward me
The far away you
Without saying the feelings I want to communicate
You went on
Now, you are left in the album

(Thelma)
ARUBAMU no naka
osameta omoide no
hibi yori
nanige nai hito toki ga
ima ja koishii no

Within the album
The memories left
Of every day--more than that
The unplanned times
Now are dear

And now anata kara no
denwa machi tsuzuketeita
keitai nigiri shime nagara
nemuri ni tsuita

And now, from you
That call I continue to wait for
Holding the cell phone tightly
I fall asleep

atashi wa
doko mo ikanai yo
koko ni iru keredo
mitsume aitai anata no sono hitomi
nee wakaru desho? atashi matteru yo
I
Won't go anywhere
Even though I'm here
I wish to see your eyes
Hey, you understand, right? I'm waiting for you

*Instrumental*

Baby boy atashi wa koko ni iru yo
doko mo ikazu ni matteru yo
You know dat I love you dakara koso
shinpai shinakute iin da yo

Baby boy, I'm here
I won't go anywhere, I'll wait for you
You know that I love you, that's why
It's okay if you don't worry

donna ni tooku ni itemo
kawaranai yo kono kokoro
iitai koto wakaru desho?
anata no koto matteru yo

No matter how far away you are
This heart won't change
Do you understand what I'm trying to say?
I'll be waiting for you

(SoulJa)
ore wa doko mo ikanai yo
koko ni iru keredo
sagashi tsuzukeru anata no kao
Your egao
ima demo furesou datte omoi nagara te wo nobaseba
kimi wa

I won't go anywhere
I'll be here but
I'll continue looking for your face
Your smile
Now, while I still feel we may touch, if I just extend my hand
You will

Wednesday, May 21, 2008

GOKUSEN



Isa itong sikat na teledrama sa Japan. Ito ay hango sa manga at noong 2002 lamang naisalin sa isang dramang pang-telebisyon. Sa ngayon ay pinapalabas na ang ikatlong season nito sa telebisyon. Matagal ko ng naririnig ang palabas na ito pero parang di ako nagkainteres dahil ayon sa aking mga nabasa ay parang rip-off lang daw ito ng isa pang naunang sumikat na palabas, ang GTO. Ng minsan ay nakapanood ako ng isang episode sa internet ay para bang nahigop ako ng napakalakas na magnet at di na ko naalis sa pagkakaupo hanggang di natatapos ang isang season.

Tungkol ito sa isang baguhang babaeng guro na mas kilala sa kanyang mga estudyante bilang si Yankumi. Sa mata ng kanyang mga estudyante siya ay isa lamang pangkaraniwang guro, mahina, at kinakayakaya lang nila. Subalit di nila alam na sa labas ng paaralan ay may ibang pagkatao si Yankumi. Siya ang magiging 4th generation lider ng Oedo, isang sikat na Yakuza family. Noong 7 taong gulang pa lamang sya ay namatay na ang kanyang mga magulang kung kayat nanirahan sya sa kanyang lolo na syang 3rd generation lider ng Oedo. Dito na sya lumaki at natutong makipaglaban. Subalit hindi nya pinili na sundan ang yapak ng kanyang lolo bilang pinuno, sa halip ay pumasok sya bilang guro tulad ng pangarap ng kanyang ama. Bilang guro ay pinilit nyang itago ang kanyang pagkatao at kunin ang tiwala ng kanyang mga estudyante. Sya ang naging homeroom teacher ng kinakatakutang section sa kanilang paaralan . Pinakita nya sa mga ito na maari pang pagkatiwalaan ang mga guro tulad nya at desidido sya na mapapagraduate nya lahat ang mga ito.

Kung tutuusin ay di ganoong kalaliman ang kwento dahil very predictable na nga ang mangyayari. Sa buong season 1 at 2 na aking napanood ay laging may pattern ang takbo ng kwento. Una ay walang tiwala ang estudyante nya sa kanya. Pagkatapos ay masasangkot ang estudyante nya sa isang kaguluhan pangkaraniwan ay sa bugbugan. Sabay dadating si Yankumi with matching musical score, para iligtas ang estudyante. Sa huli ay makukuha na nya ang loob ng estudyante dahil sa kanyang mga pangaral. Ganoonog ka-predictable ang kwento subalit sa kahabaan ng panood ay nakakapagtaka na very entertaining pa rin sya at maraming beses ay natatawa at mangiyak-ngiyak ako sa mga eksena. Magaan sa pakiramdam ang panonood nito dahil bukod sa nakakaaliw ay mayroon syang iniiwan na mahalagang aral sa bawat episode. Isa pa ay nakakatuwa ang karakter ni Yankumi na para bang pinaghalu-halong karakter sa isang pagkatao. Sa isang pagkakataon ay very tough ang dating nya lalo na kapag nakikipaglaban at sa isang iglap naman ay nalabas yung kanyang soft side bilang babae na nagkaka-crush rin at bilang isang maaalahaning guro sa kanyang mga estudyante. Personally ay
nakakatuwa ring makita si Yuki Nakama ang syang gumanap ng karakter ni Yankumi dahil parang nabubura sa isip ko yung pagkakatypecast nya sa karakter ni Sadako sa The Ring. Naiwan rin sa isip ko yung laging binabanggit ni Yankumi bago pumasok sa classroom...FIGHT-OH!!! na para bang boxing match ang papasukan at hindi isang classroom.

Para sa akin ang isang magandang napulot ko sa panonood nito ay ung katotohanan na hindi tayo dapat humuhusga sa ibang tao batay sa panlabas na ating nakikita o sa mga bagay na sinasabi lang ng ibang tao tungkol sa kanila. Dapat ay lagi nating hinahanap at inaappreciate yung mas magandang bahagi ng kanilang pagkatao.

Tuesday, May 20, 2008

OPERATION DAGDAG BAWAS

Mukhang kailangan ko ng mag operasyon dagdag bawas . Hindi mandaya sa eleksyon ha, operation dagdag disiplina bawas taba. Simula noong nakabalik ako galing sa Pilipinas noong January bumaba na ako ng mga 6 na kilo. Ayun ay dahil sa bigat at haba ng trabaho ko noong nakalipas na dalawang buwan. Yun ngang wala pang effort ay nabawasan na ko ng timbang. Iniisip ko ano kaya kong dagdagan ko pa ng tamang disiplina sa pagkain at pageehersisyo. Noong isang linggo ay sinimulan ko na ang operation dagdag bawas:

OPERATION BAWAS KANIN - Dalawang beses lang naman ako kumain sa isang araw. Paminsan-minsan lang ako makapag-agahan. Ganito na yung nakasanayan ko kahit na sa Pinas pa lang. Sa tanghalian ay nabili na lang ako ng obento sa opisina. Kung tutuusin ay walang prublema rito dahil balance diet naman ang kadalasang rinarasyon na obento sa amin at tamang tama lang ang kanin. Sa hapunan ay sinimulan ko na ang pagkain ng vegetable salad lang at prutas. Noong unang dalawang araw ay nanibago ako dahil bitin sa kain pero bago matapos ang linggo ay nasanay na ata ako na ganito lang ang kain. Naghahanap pa nga ako ng iba pang pwedeng recipe ng salad. Definitely sa gabi ay wala ng kanin. Iniiwasan ko na rin na kumain pa ng mga tsitsirya bago matulog dahil ito yung nakasanayan ko na sa gabi.
OPERATION BAWAS COLA - napakalakas ko uminom ng cola o kung hindi man ay kahit na anong carbonated drinks. Kung dati ay may stock pa ako ng mga in-can na beverages sa fridge, ngayon ay wala na. Mineral water na lang saka tea ang iniinoim ko. Kapag nasa labas naman at nakain sa mga fastfood at family restaurant ay iwas na rin ako sa softdrinks. Kalimitan ay mga fruit juices na lang. Sa opisina ay puro naman ako green tea saka tubig habang nagtratrabaho.
OPERATION BAWAS LAKLAK - isang iniiwasan ko na rin ay ang pag-inom ng maraming alak. Syempre kasama na rin ang pagkain ng mga pulutan na siguradong nakakataba. Paminsan minsan na lang ang inom kapag may okasyon na lang. Dito yata lumaki yung tiyan ko sa kakainom ng beer madalas at pagkain ng mga mamantikang pulutan.
OPERATION DAGDAG LAKAD - sabi nila ay isang magandang ehersisyo ang paglalakad. Araw- araw ay 10mins ako naglalakad papunta at pabalik ng train station. Pero bale wala naman ito kumpara sa dami ng nadadagdag sa kin sa pagkain. Kaya simula nung isang linggo ay naglalakad na ako mula Hatcho Nawate station hanggang sa bahay namin. Mga 2 kilometro ang layo nito at inaabot ako ng mga 30 mins bago makarating ng bahay.

Ang balak ko sa simula ay ganito muna para wag mabigla ang katawan ko. Kapag medyo nasanay na ay dadagdagan ko pa ang layo ng aking nilalakad . Siguro ay mula Kawasaki station (mga 3km. ang layo) ko sisimulan, mga 45 mins na lakaran siguro yun. E sabi nga nila di ba "one giant leap begins with a single step". Tama na muna itong panimula. Ayoko naman puwersahin ang sarili ko na magpunta sa gym araw-araw para magbuhat ng weights. Eventually siguro dun din punta ko kapag feeling ko ay nakaka-adapt na at capable na yung katawan ko. But for the meantime ay operation dagdag lakad na lang muna ako.
OPERATION DAGDAG SIPAG - eto ang pinakamabigat kong dapat idagdag . Kailangan ay sipagin ako para maisakatapuran ang lahat ng operation na ito. Pero so far naman ay di pa naman napalya. Malapit na ang summer rito. Around August ay baka mapapunta na naman kami sa beach kaya kailangan ay medyo pang-Hunks ang dating natin hehehe. Kailangan ay ma-motivate ako na ituloy ang lahat ng ito.

Noong bago ko magsimula ay nasa 81 kilos ang timbang ko. Ayon sa Medical Exam ko last week ay 66 kilos ang aking healthy weight. Parang mission impossible yata ito. Pero anyways there's no harm in trying. Hindi ko man maabot yung eksaktong timbang ay at least mapababa ko man lang.

Monday, May 19, 2008

PALITAW

Isang taon na mahigit ang nakalipas simula ng huli akong sumulat sa blog na ito. Ewan ko ba kung bakit nawalan na ako ng gana na magsulat. Nung una ay inilaan ko ang personal blog na ito para maging lalagyan ng mga pangaraw-araw na saloobin, kurokuro, kathang isip, at kung anu-anong walang kabuluhang mga naiisip ko. Maraming mga araw na ang lumipas at marami na rin ang mga dapat kung naisulat rito subalit nabigo akong gawin yun. Maraming kadahilanan kung tutuusin. Isa na ay si KATAMARAN. inuunahan na nya ako bago ko pa man maisipan buksan ang aking laptop at magsulat. Minsan kasi bago matulog sa gabi ay naglalakbay ang aking imahinasyon at kung anuanong mga bagay ang naiisip ko na gusto ko sana isulat sa blog pero nauunahan ako ni katamaran. Pangalawa ay si PAGOD. Maghapong trabaho at mga extra curricular activities sa gabi ang siguradong nandiyan si PAGOD. Makapangyarihan si PAGOD, para kang ni-knock out ni Pacquiao pag tumama. Minsan sa gabi ay active pa ang isip ko pero di na kaya ng katawan ko ang pagod. Inuunahan na ako ng antok sa sobrang pagod bago ko pa maisipan magsulat. Nakakapanghinayang talaga dahil marami ang nabago sa buhay ko ang napalagpas kong isulat sa blog na ito. Pinakamabigat na dahilan siguro ay ang pagkawala ni ENTHUSIASM...ewan ko ba sumama na yata sa milyong Pinoy na nagabroad. Isang bagay na mahirap ipaliwanag . Siguro ay parte na rin ng ugali ko na mabilis magsawa sa mga bagaybagay...Pero sa bagay sabi nga nila huli man at magaling ay magaling pa rin hehehe. Magaling kung maihahabol ko pa. Paunti unti ay pipilitin kung magsulat muli. Sa tingin ko ay kailangan ko rin tong gawin sapagkat kinakalawang na yata ako sa kakaisip sa mga Nihongo characters na pinapamemorize sa min ni sensei. Magiging magandang ehersisyo ang pagsusulat para ikondisyon ang aking isip.
Teka, napansin ko lang para yatang palitaw ang pagsusulat ko rito sa blog na ito. Lulubog lilitaw. May panahong ang sipag sipag ko magsulat at sunod sunod ang aking entries tapos isang mahabang hiatus na naman ang kasunod. Nagutom tuloy ako namis ko ang palitaw.